Inisponsoran ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa plenaryo ang Senate Bill No. 2035 na naglalayong magtatag ng Trabaho Para sa Bayan Plan na nagsisilbing plano para sa “long-term employment generation and recovery” ng bansa.
Ayon sa kanya, layunin ng landmark legislation na kilala bilang “Trabaho Para sa Bayan (TBP) Act” na isulong ang “job-led economic growth and enhanced industry collaboration” ay magbigay ng pangkalahatang serbisyo para sa worker development, suporta at insentibo sa mga negosyo.
Binanggit rin ni Villanueva na ang panukala ay kasama sa mga priority measure ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang TBP Act ay magbibigay ng employment policy na komprehensibo, magkaugnay at nakatuon sa hinaharap para pagtuunan ng pansin ang nagbabagong labor market ng bansa.
“Employment should not just be an incident to economic development. Generating more decent and permanent employment should be the objective of economic growth, to make growth inclusive and a reality for all,” ayon kay Villanueva.
Idiniin rin niya na hindi pa nalagpasan ng bansa ang “seasonality” ng trabaho kung saan maraming manggagawa ang kinukuha kapag peak months.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang unemployment rate noong Disyembre 2022 sa 4.3 porsyento mula sa 5.3 porsyento noong Agosto 2022. Ngunit umakyat muli ang unemployment rate noong Enero 2023 na naitalang 4.8 porsyento matapos ang holiday season. Nananatiling mataas ang underemployment rate sa bansa nang 14.1 porsyento noong Enero 2023.
Dagdag rin ni Villanueva na ang datos mula sa PSA ay nagpapakita ng malaking agwat sa employment sa service sector na may 60 porsyento kumpara sa agricultural sector na 22.2 porsyento at industry sector na 17.1 porsyento.
“Clearly, we need to diversify and increase opportunities in other sectors if we are to become a self-sustaining and prosperous country,” aniya.
“The TPB Plan will harmonize and synergize all efforts towards a coherent and cohesive employment policy: Isang plano na magiging direksyon ng lahat ng polisiya, proyekto, programa, at iba pang mga inisyatibo upang patuloy na bumuo at gumawa ng dekalidad na trabaho para sa bayan,” dagdag ng mambabatas.
Photo credit: Province of Abra website