Sunday, November 24, 2024

Paglikha Ng National Education Council Muling Ipinanukala Sa Senado

0

Paglikha Ng National Education Council Muling Ipinanukala Sa Senado

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Muling Inihain ni Senador Win Gatchalian sa Senado ang panukalang batas na lilikha ng National Education Council (NEDCO) upang paigtingin ang pagkakaugnay ng mga polisiya ng mga ahensyang pang-edukasyon.

Sa ilalim ng Senate Bill (SB) No. 2017 o ang National Education Council Act, nililikha ang NEDCO upang magtatag ng sistema ng national coordination, planning, monitoring, evaluation, at management sa pagitan ng Department of Education, Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Layunin ng panukala na magtatag ng national education agenda batay sa mga national development plan. Itatatag sa national education agenda ang strategic vision ng bansa sa edukasyon, mga layunin, estratehiya para sa maayos na pagpapatupad ng mga programa, at mga rekomendasyon sa pondo. 

Binalikan ni Gatchalian ang mga nirekomenda ng 1991 Congressional Commission on Education (EDCOM) sa paglikha ng isang coordinating body kasunod ng paghahati sa tatlong sub-sektor ng sistema ng edukasyon sa bansa. 

“Sa pamamagitan ng ating panukalang bumuo ng National Council for Education, mapapaigting natin ang ugnayan sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa,” aniya.

Kabilang sa mga magiging kapangyarihan ng NEDCO ang implementasyon ng mga hakbang para magkaroon ng mataas na marka ng bansa sa mga assessment tulad ng National Achievement Test, Programme for International Student Assessment, Education Index, Education for All Development Index, at iba pang sukatan para sa sektor ng edukasyon.

Sa ilalim ng panukala, ang pangulo ang magsisilbing chairperson ng NEDCO habang ang Education Secretary, CHED Chairperson at TESDA Director-General ang magsisilbing Co-Chairpersons. Kabilang rin sa komite ang Senate President, Speaker ng House of Representatives, at ilang mga miyembro ng Gabinete.

Nakasaad rin sa panukala na magkakaroon ng five-year horizon ang national education agenda na rerepasuhin ng NEDCO taon-taon.

Source: Department of Education Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila