Binanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy ang bansa sa pagiging aktibo sa mga bilateral at global na diskusyon at talakayan tungkol sa iba’t ibang isyu na kinakaharap ng bansa.
“The Philippines will continue to engage countries bilaterally and in international platforms on issues concerning democracy, human rights, and good governance, as long as these engagements are constructive, based on facts, and respectful of Philippine sovereignty,” aniya sa isang video message sa plenary session ng ikalawang session ng Summit for Democracy.
“The Philippines will sustain its tradition of open, constructive, and active engagement on human rights on matters that will meaningfully contribute towards reinforcing the sinews of democracy and of freedom. Thus, we enable our people to flourish and meet our national aspirations to be a modern prosperous middle-income society by 2040,” dagdag ni Marcos.
Ayon sa Presidential Communications Office, binanggit rin niya sa mga kalahok ng summit na ang kanyang administrasyon ay naglatag ng mga aksyon para maabot ang mga layunin sa people-centered growth at kasaganaan sa pamamagitan ng mga justice reform ng bansa. Dagdag ng Pangulo na ang pag-unlad ng ekonomiya at progreso ay posible sa ilalim ng transparent, epektibo, at responsableng institusyon.
“We are investing more to enhance the administration of justice through the various institutions and mechanisms already in place to protect the right to life, liberty and security of the Filipino people,” aniya.
Dagdag ni Marcos na prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagtatatag ng Department of Migrant Workers para protektahan at isulong ang mga karapatan ng higit 10 milyong Filipino migrants.
Binanggit rin niya na patuloy na pinapalakas ng kanyang administrasyon ang mga polisiya para protektahan ang kababaihan at kabataan at ang pagpapalakas ng programa ng estado para sa rehabilitasyon at pagtulong sa mga biktima ng droga at kanilang pamilya.
“The Philippines has a national legislation punishing heinous crimes. We have vigorously exercised our jurisdiction to investigate and prosecute crimes, including those allegedly committed in the context of the anti-illegal drugs campaign,” pahayag ni Marcos.
Noong Disyembre 2021, pinangunahan ni US President Joe Biden ang una sa dalawang Summits for Democracy kung saan nagtipon-tipon ang mga pinuno ng gobyerno, civil society, at pribadong sektor para sa democratic renewal at pag-usapan ang mga banta ng demokrasya.
Photo credit: Facebook/PresidentialCommunicationsOffice