Hinamon ni Senador Ramon Bong Revilla ang buong kapulisan na hindi na dapar maulit ang mga karumal-dumal na krimen gaya ng sinapit ng isang graduating student ng De La Salle University-Dasmariñas (DLSU-D) noong Marso 30.
“Habang mabilis nating nasakote ang gumawa ng karumal-dumal na krimeng ito, dapat tiyakin natin na hindi na ito mauulit pa,” aniya sa isang pahayag.
“‘Yung mga ganito dapat binibitay na, nang hindi na mapamarisan,” dagdag ni Revilla.
Mariin din niyang kinundena ang pagnanakaw at pagpatay sa estudyante.
“Imagine ilang araw na lang at graduate na tapos nasayang lang ang kinabukasan ng biktima at pagsisikap ng mga magulang nito dahil lang sa walang kuwentang pangyayari,” aniya.
Unang nagbigay ang mambabatas ng P300,00 cash reward sa Philippine National Police at city government ng Dasmariñas para sa mabilis na imbestigasyon at pagsakote sa suspek.
Umabot ng P1.1 million ang kabuuang reward para sa paghuli sa suspek. Nagbigay rin ng P300,000 na cash reward si Cavite Governor Jonvic Remulla at P100,000 bawat isa sina Dasmariñas Mayor Jennifer Barzaga at Cavite Fourth District Rep. Elpidio Barzaga Jr.
Photo credit: Facebook/SenateofthePhilippines