Hinimok ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray T. Reyes ang Department of Health na maglaan ng karagdagang pondo para sa mga ospital sa mga tourist area sa bansa.
“Our goal should be to enhance the overall tourist experience in our country and one of our priorities should be increased investment in safety, health and social services,” aniya.
Idiniin ni Reyes na kahit dumadami ang bilang ng mga turista sa bansa, karamihan sa mga tourist area ay kulang sa kumpletong medical facility.
“All of us have encountered stories where a tourist caught in a medical emergency would have to be transported outside of a tourist area just to get proper medical attention,” aniya.
“If we want to further boost our tourism initiatives, it is imperative that we put more investment in our healthcare system,” dagdag ng mambabatas.
Nasabi ito ni Reyes base sa obserbasyon noong Holy Week kung saan nagtayo ang AnaKalusugan Party-list ng mga first aid station para sa mga biyahero. Sa probinsya ng Bulacan, aniya, mayroong 3,000 na biyahero ang natulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng emergency care, pagkain, at tubig.
“Medical services should be accessible, and we will continue to push for legislation that would allocate more funds to bring health services closer to the people and communities,” ayon kay Reyes.