Sunday, November 24, 2024

Lifeguard Sa Bawat Pampublikong Beach, Pool Isinusulong ni Sen. Gatchalian

12

Lifeguard Sa Bawat Pampublikong Beach, Pool Isinusulong ni Sen. Gatchalian

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Muling isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang panukala na maglagay ng lifeguard sa bawat pampublikong swimming pool o bathing facilities sa bansa matapos ang ilang insidente ng pagkalunod noong Semana Santa.

“Nakakalungkot na ang panahong dapat inilalaan natin kasama ang ating mga pamilya ay nauuwi sa trahedya para sa iba. Ngunit maaari nating maiwasan ang mga aksidente ng pagkamatay na dulot ng pagkalunod, kaya naman isinusulong natin ang pagkakaroon ng lifeguard sa mga pampublikong swimming pool upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan,” aniya sa isang pahayag.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1142 o Lifeguard Act of 2022, kinakailangan magkaroon ng certified lifeguard sa bawat pampublikong swimming pool sa kabuuan ng oras ng operasyon nito. Kinakailangan din ng mga pool operator ng isa pang lifeguard sa bawat 250 square meters na dagdag sa swimming pool. Ang mga lifeguard ay dapat sertipikado ng kahit anong nationally recognized organization na accredited ng Department of Health.

Isinaad din sa panukalang batas na kailangan magbigay ng sertipikasyon at mga supporting document ang mga pool operator sa mga lokal na pamahalaan upang patunayan na may sapat na bilang ng lifeguard sa kanilang pasilidad. 

Itinala ng Philippine National Police noong Abril 9 na may 72 katao ang namatay dahil sa pagkalunod noong Semana Santa. Kasama sa mga namatay ang mga batang napabayaan ng kanilang mga guardian habang naliligo sa mga beach o swimming pool.

“Prayoridad natin dapat ang kaligtasan. Kailangan nating magtulungan upang maiwasan ang panganib. Kung naipapatupad nang maayos ang mga safety procedures, mababawasan natin ang bilang ng mga aksidente,” ani Gatchalian. 

Itinuturing ng World Health Organization ang pagkalunod bilang hamon sa pampublikong kalusugan. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang pagkalunod ang pangalawa sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga batang 5 hanggang 9 taong gulang, ika-anim sa pangunahing sanhi ng pagkamatay sa mga batang 1 hanggang 4 na taong gulang, at ikalawang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa mga batang 10 hanggang 14 taong gulang.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila