Monday, January 20, 2025

Pondo Para Sa Cancer Treatment Sapat – Sen. Angara

3

Pondo Para Sa Cancer Treatment Sapat – Sen. Angara

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tiniyak ni Senador Sonny Angara na mayroong sapat pondo para sa cancer treatment sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) bilang paghahanda sa dami ng mga pasyente na nagpapagamot sa mga health facility ng gobyerno. 

“As chairman of the Senate’s Committee on Finance, we have always ensured that there is funding for programs and projects to help our people who are afflicted with cancer, particularly those who cannot afford the expensive treatments,” aniya sa isang pahayag.

Sa special provision na isinulong ni Angara sa 2023 GAA, ang budget para sa noncommunicable diseases (NCDs) ay tumaas ng P881.3 million dahil sa pagsasabatas ng Republic Act (RA) No. 11215 o ang National Integrated Cancer Control Act.

Noong 2022, ang budget para sa cancer ay umabot ng P1.7 billion bilang paghahanda sa pagtaas ng mga pasyente na magpapagamot pagtapos ng pandemya. 

Sa special provision na isinulong ni Angara sa 2023 GAA, idinetalye na ang budget na nakalaan ay gagamitin para sa procurement at delivery ng cancer supportive care at palliative care medicine.

Isinulong din niya ang karagdagang provision para sa alokasyon ng P500 million para sa halaga ng cancer prevention, detection, treatment at iba pang care-related components, kabilang ang pag-diagnose at mga test na kinakailangan ng pasyente.  

“These are but just small initiatives that we in Congress have introduced over the years, working on limited resources, to help our kababayans who are afflicted with cancer. We have yet to see the day when a cure is found to end cancer, but until that day arrives, rest assured we will continue to look for ways to bring hope to cancer patients and their loved ones,” pahayag ng mambabatas.

Ayon kay Philippine General Hospital (PGH) Cancer Institute Head Jorge Ignacio, dumadami ang bilang ng cancer patient sa mga state-run institution gaya ng PGH. Ipinaliwanag niya na ang mga naisantabi na cancer patients sa simula ng pandemic ay nagsimula na ulit ng kanilang treatment. 

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority, ikatlo ang cancer sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino noong Enero hanggang Mayo 2022, na katumbas ng 9.8 porsyento. 

Hindi ito nalalayo sa global average base sa datos mula sa World Health Organization kung saan 9.3 million ang namamatay dahil sa cancer taon-taon.

Photo credit: Facebook/sonnyangara

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila