Hinikayat ni Senador Lito Lapid ang mga estudyante na samantalahin ang pagkakataon na mag aral para sa maganda nilang kinabukasan.
Ginawa ni Lapid ang pahayag sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng limang palapag na school building sa Don Honorio Ventura State University (DHVSU) sa Apalit, Pampanga ngayong Martes.
Sinabi niya na hindi dapat sayangin ng mga kabataang estudyante ang tsansa habang may panahon at pinagsisikapan ng kanilang mga magulang na mag-aral.
“Kung may DHVSU noong araw, baka nakatapos din ako ng pag-aaral sa kolehiyo,” ayon sa mambabatas.
Si Lapid ay nakatapos lang ng high school dahil sa hirap ng buhay ng kanilang pamilya noon.Â
“Pag pinag aral kayo ng mga magulang nyo, samantalahin nyo. Wag nyo po hahayaan na sisikat ang araw at lulubog na wala kayong natututunan. Kahit kelan hindi na muling maibabalik kapag lumipas na ang araw na ito,” pagdidiin niya.Â
Todo pasalamat naman sa mambabatas at sa Okada Foundation Inc. sina Dr. Enrique Baking, presidente ng DHVSU, mga estudyante at local government official ng Apalit, Pampanga.
Sinabi naman ni James Lorenzana, presidente ng Okada Foundation Inc. na ito ang kauna-unahang gusaling pampaaralan na pinondohan nila
Naglaan aniya ang foundation ng P50 milyong pondo para maipatayo ang academic building na ito.Â