Bilang paggunita ng Labor Day sa May 1, muling itinulak ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagpasa sa panukalang Enhanced Kasambahay Act upang dagdagan ang mga karapatan at benepisyo para sa lahat ng kasambahay sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi niya na kapag naaprubahan ang Senate Bill No. 299, magkakaroon ng karapatan ang mga kasambahay na maglaan ng hindi bababa sa isang oras araw-araw para sa alternative learning o skills education. Ituturing itong “compensable working hour” o kasama sa magiging sweldo ng kasambahay.
Iminungkahi rin ni Cayetano na bumuo ang gobyerno ng praktikal na module para mismo sa alternative education ng mga kasambahay, na hahawakan ng isang espesyal na komite na tatawaging “Kasambahay Education Inter-Agency Committee.”
Kasama rin sa magiging tungkulin ng Kasambahay Education Inter-Agency Committee na bigyan ng access ang mga kasambahay sa mga internet-enabled na gadget upang matiyak na tuloy-tuloy ang kanilang magiging pag-aaral.
“We want to reduce social inequalities by allowing our kasambahays to self-improvement learning, para naman hindi sila habangbuhay na stuck sila sa pagiging kasambahay,” ani Cayetano.
Nais din niya na atasan ang mga lokal na pamahalaang nakakasakop sa pinagtatrabahuhan ng kasambahay na bigyan ng libreng maintenance medicine para sa iba’t ibang karamdaman kabilang na ang diabetes, hypertension, asthma, tuberculosis, na ihahatid mismo sa kanila buwan-buwan o kada-apat na buwan.
Ang mga bibilhing gamot ay sasagutin ng Philippine Health Insurance Corp..
ayetano, nananatili sa P4,141 ang karaniwang buwanang suweldo ng mga kasambahay sa bansa kahit pa ang kanilang “role in the basic unit of our society is very vital.”
Aniya, hindi nito kayang punan ang mga pangangailangan ng mga kasambahay sa pagpapagamot at sa pag-aaral na makakatulong sana sa paghanap nila ng mas magagandang oportunidad.
“As of November 2021, the minimum wage for kasambahays ranges from as high as P5,000 in the National Capital Region to as low as P2,000 in Region XI,” paliwanag ng mambabatas sa Explanatory Note ng panukalang batas.
“Developing a more comprehensive measure for the welfare of our kasambahays will enable them to maintain good health conditions and help upskill their potential,” aniya.
Photo credit: Facebook/alanpetercayetano