Malugod na tinanggap ng Provincial Government of La Union (PGLU) ang mga local official ng Nueva Vizcaya sa pangunguna ni Vice Governor Jose Gambito, na bumisita upang i-benchmark ang kanilang best practices, anunsyo ni Governor Rafy Ortega-David.
“Naragsak nga isasangbayyo ditoy La Union! Welcome to our province, delegates from the Nueva Vizcaya Provincial Government,” aniya sa social media.
Ipinahayag din ni Ortega-David ang kanyang karangalan sa pagbabahagi ng kanilang best practices, na nagpapatunay sa kanilang tatak ng serbisyo publiko sa mga tao.
“You’re always welcome po dito sa La Union! This year, goal po namin na mas marami pa pong magbenchmark dito sa La Union,” aniya.
Bumisita rin kamakailan ang mga opisyal mula sa Municipality of Bantayan sa Cebu upang i-benchmark naman best practices ng La Union Provincial Health Office.
Ayon kay Ortega-David, ang kanilang pandemic response and recovery projects, programs and activities ay isa sa maraming bagay na maipagmamalaki nila sa PGLU.
Photo credit: Facebook/GovRafy