Saturday, November 23, 2024

Para Madala! Pimentel Gusto Ng Mas Mabigat Na Parusa Sa Mga Reckless Driver

3

Para Madala! Pimentel Gusto Ng Mas Mabigat Na Parusa Sa Mga Reckless Driver

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dahil sa tumataas na bilang ng mga aksidente sa trapiko at pagkamatay dahil sa reckless driving, nanawagan si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa Kongreso na suportahan ang isang panukalang batas na inihain niya na gustong gawing non-probationable offense ang reckless driving.

“I am alarmed by increasing deaths caused by road accidents primarily due to recklessness,” aniya sa isang pahayag.

Sa ilalim ng Senate Bill (SB) No. 1016, ang reckless driving na nagreresulta sa pagkamatay dahil sa imprudence o negligence ay hindi na karapat-dapat para sa probation.

Gusto ni Pimentel na magpasa ang Kongreso ng panukala para sa mas mahigpit na parusa laban sa mga reckless driver. Tinukoy niya ang dumaraming aksidente sa kalsada na nauuwi sa pagkasawi, kabilang ang pagkamatay ng apat na taong gulang na bata na nabangga ng bus at SUV sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

“This is among hundreds, if not thousands, of heartbreaking stories of road accidents that we hear and see every day. How many innocent and precious kids do we have to lose in fatal road accidents before we act and make our roads safe for all Filipinos?” sabi ng mambabatas.

“It is about time to put motorists on notice, be careful on the road or else face prison time. We can do this by removing the option for probation for convicted reckless drivers,” dagdag niya.

Naisumite na sa Senado ang panukalang batas ni Pimentel para maiwasan ang ganitong uri ng kawalang-ingat, at hinimok ng senador ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso na suportahan ito para mabawasan ang bilang ng mga namamatay sa Pilipinas dulot ng mga aksidente sa kalsada. Ayon sa inilabas na numero ni Transportation Secretary Jaime Bautista, mahigit 11,000 indibidwal ang namatay sa mga aksidente sa kalsada sa Pilipinas noong 2022.

“I therefore call on my colleagues in Congress to pass a measure calling for stiffer penalties against reckless drivers,” pagdiin ni Pimentel.

Ayon naman sa Philippine Statistics Authority ang mga aksidente sa kalsada ay ika labintatlong sanhi ng pagkamatay sa bansa noong 2022. 

“It has been said that the negligent persons involved in these tragedies were not in fear of punishment as they are aware that even if convicted, they would still be eligible for probation and would not be imprisoned,” ani Pimentel sa paghahain ng SB No. 1016.

“When death is involved, we should disqualify these reckless motorists from probation. They should be made to face the full consequences of their actions,” aniya.

Kung maipapasa, ang panukalang batas ay makakatulong na mabawasan ang bilang ng mga aksidente sa kalsada sa Pilipinas na hahantong sa mas kaunting pagkamatay.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila