Napawalang-sala si Leila de Lima sa isa sa mga natitira niyang kaso sa droga.
Abswelto ang dating senador sa Criminal Case Number 17-165, ang unang kasong isinampa laban sa kanya, ayon sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 204 .
Gayunpaman, sa kabila ng mga tagumpay na ito, mananatili si de Lima sa detensyon hanggang sa ilabas ng Muntinlupa City RTC Branch 256 ang kanilang resolusyon sa kanyang petisyon para sa piyansa at sa kanyang bid para sa pansamantalang kalayaan.
Ang paratang kung saan siya napawalang-sala ay ang paglabag sa seksyon 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nagpahayag naman ng tiwala si de Lima sa kanyang pagkakawalang-sala sa natitirang kaso laban sa kanya. Si de Lima, na mahigit anim na taon nang nakakulong, ay nagsabing hindi siya kailanman nag-alinlangan sa lakas ng kanyang pagiging inosente at sa merito ng kanyang kaso.
Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at nagdasal para sa kanya.
“Nagpapasalamat ako sa lahat ng naniwala at sumama sa aking laban. Hindi ninyo ako iniwan. Hindi ninyo ako pinabayaan. Maraming salamat sa inyong paninindigan na balang araw ay makakamit ko ang katarungan, lalaya, at makakasama kayong mull.”
Ngunit nagpahayag din si de Lima ng na sa tagal ng kanyang pagkakulong ay marami siyang mga kaanak at kaibigan na hindi na makikitang muli – isa sa pinakamasakit na nangyari sa panggigipit sa kanya.
“Gayunpaman, itinuring ko itong pagsubok sa tatag ng aking loob at lalim ng aking pananampalataya sa Panginoon. Sa huli, tayong lahat na lumaban para manaig ang katarungan ngayong araw na ito ang nagwagi, gaano man tayo sinubukang durugin at patahimikin ng mga lumapastangan sa ating bayan. Sa pagkamit ko ng hustisya sa araw na ito, malinaw sa akin na hindi rin ito ang katapusan. Tuloy ang aking laban.”