Iniutos ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa pamumuno ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na isailalim sa contempt si Capt. Jonathan Sosongco sa gitna ng patuloy na pagsisiyasat nito sa ₱6.7-B shabu haul noong Oktubre.
Sa gitna ng hearing ngayong Martes, ipinakulong ni dela Rosa sa Senate detention ang pulis dahil pagsinungaling umano ito sa Senate panel sa isyu ng pagkakasangkot ng matataas na opisyal ng Philippine National Police sa malawakang drug haul.
“Sobrang magsinungaling ito,” aniya.
Ang malawakang drug haul ay nasabat ng mga awtoridad sa Manila International Container Port noong Oktubre. Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng ilang indibidwal, kabilang ang mga matataas na opisyal ng pulisya at mga Chinese. Layunin ng Senate imbestigasyon na matuklasan ang posibleng pagkakasangkot ng matataas na opisyal ng PNP sa kalakalan ng droga.
“A ton of illegal drugs worth 6.7 billion pesos was smuggled by corrupt members of the PNP. It’s embarrassing, disappointing, but most of all—sad,” ayon kay dela Rosa. “There are still more hardworking and intelligent members of our police force. Unfortunately, every time there is a rumor of indecency, the entire image of the PNP is tarnished.”
Photo credit: Facebook/senateph