Sinabi ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla na death penalty dapat ang parusa para sa mga tauhan ng Bureau of Customs, sundalo, pulis, at iba pang uniformed personnel na sangkot sa malawakang smuggling, partikular na ang agricultural smuggling.
Ayon sa kanya, ang nasabing krimen ay nakaapekto nang masama sa kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino. Dahil dito, inihain ni Padilla ang Senate Bill 2214, na naglalayong amyendahan ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 sa pamamagitan ng pagpataw ng parusang kamatayan kung ang pagkakasala ay ginawa ng naturang mga tauhan.
“We have to send a strong message that the large-scale agricultural smuggling, hoarding, profiteering, and cartel of agricultural products perpetrated by the officers and employees of the Bureau of Customs, are heinous and a threat to the very foundation of our society. Hence, there is a compelling reason to impose death penalty,” aniya.
Dagdag pa niya, hangga’t hindi natutugunan ang problema sa smuggling, hindi malulutas ng bansa ang problema nito sa mga rebelde.
Photo credit: Facebook/BureauOfCustomsPH