Nagpahayag si Senate President Pro Tempore Loren Legarda ng pagkabahala sa epekto ng El Niño at binalaan ang gobyerno, pribadong sektor, at lahat ng mamamayan na maghanda para sa mas malalang tagtuyot.
Sa isang pahayag, sinabi niya na ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, mayroong 80% na posibilidad ng El Niño sa panahon ng Hunyo-Hulyo-Agosto. Ito ay maaaring magresulta sa mas mababa sa average na pag-ulan at magdudulot ng mga tagtuyot sa bansa na magbabawas sa produksyon ng mga lokal na pananim at pangisdaan.
“During El Niño, the top priorities are water supply and food security. Less rain means less water, which will affect households and businesses. Prolonged droughts and dry spells would also drastically cut down the production of local crops like rice, corn, sugarcane, vegetables, and other agricultural products, as well as fisheries yield,” paliwanag ni Legarda.
Nanawagan din siya sa gobyerno na mag-invest sa mas mahusay na forecasting tools at early warning systems, water governance at land use policies, at extension system para masuportahan ang mga magsasaka.
Higit pa rito, hinimok ng mambabatas ang mga Pilipino na magsagawa ng responsableng mga hakbang sa pagtitipid ng tubig, tulad ng pag-iimbak ng tubig at pag-aayos ng mga tumutulo na tubo.
“We cannot stop this El Niño. But we can take action to ensure water and food supply for our people and sectors. Let’s conserve water and stay hydrated to prevent heat stroke and other health risks. We can surpass this dry season if we consolidate all efforts and adequately prepare for its effects,” aniya.