Monday, January 13, 2025

DepEd-La Union Nakatanggap Ng Learning Materials Sa Pangunguna Ni Gov Ortega-David

3

DepEd-La Union Nakatanggap Ng Learning Materials Sa Pangunguna Ni Gov Ortega-David

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mahigit 40,000 learning materials ang natanggap ng  Department of Education (DepEd) – La Union para sa mga kabataan at estudyante ng probinsya sa pangunguna ni Gov. Rafy Ortega-David.

Sa isang pahayag sa social media, sinabi ni Ortega-David na nag-turn over ang Provincial Government of La Union ng 5,607 textbooks at 38,622 erasable workbooks sa DepEd-La Union na pinamumunuan ni Schools Division Superintendent Jorge Reinante.

Ipinahayag din ng gobernador ang kanyang kagalakan sa pagbibigay ng pinalawak na access sa de-kalidad na edukasyon sa lalawigan, at sinabi na sa pamamagitan nito, unti-unting natatamo ng kanyang pamunuan ang mga layunin nito.

“Asahan po ninyo na patuloy nating susuportahan ang ating education sector, mga schools, at siyempre, ang ating mga kaprobinsiaan learners.” dagdag ni Ortega-David.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila