Friday, November 29, 2024

Justice Denied! Hontiveros Dismayado Sa Pagbasura Sa Bail Petition Ni De Lima

12

Justice Denied! Hontiveros Dismayado Sa Pagbasura Sa Bail Petition Ni De Lima

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ipinahayag ni Senador Risa Hontiveros ang kanyang matinding pagkadismaya at panawagan na agad na wakasan ang matagal na pagkakakulong kay dating Senador Leila De Lima.

Ito ay matapos tanggihan ng korte ang petisyon ni De Lima na makapag pyansa.

“Karapatan niya ang isang mabilis na paglilitis, gaya ng nakasaad sa ating Konstitusyon. Nananawagan ako ng agaran at malinaw na resolusyon tungkol dito. Itigil na ang kabulastugang ito. Tigilan na ang pagpapahirap kay Leila.”

“Hindi ko maiwasang isipin ang iba pang kaso diyan na kaagad nalutas, samantalang si Leila, na naglahad ng mga pang-aabuso ng drug war sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, ay anim na taon nang nakapiit.”

Kinwestyon din ni Hontiveros ang kredibilidad ng mga testigo laban kay De Lima at nagbabala tungkol sa patuloy na pag-asa ng korte sa mga testimonya mula sa mga “self-serving sources.” 

Aniya, marami sa mga indibiduwal na ito ang bumitiw na sa kanilang mga akusasyon laban kay De Lima, na nangangahulugan na hindi kapani-paniwalang kasinungalingan at panlilinlang ang hinabi ng mga drug lord na sangkot sa kaso.

“Kaya mapapatanong ka na lang: Bakit naiipit pa rin siya sa kasong ito sa kabila ng kasinungalingan ng mga sinasabi nilang mga star witness?”

“Muli, gaya sa nakaraang anim na taon, pareho ang aking panawagan: Tigilan na ang kawalang-puso at walang kamatayang pagkakait ng katarungan kay Leila.”

Sa huli, umapela si Hontiveros sa mga kapwa Pilipino at lahat ng tagapagtaguyod ng karapatang pantao, at hinihimok silang tiyakin na ang hustisya ay hindi lamang limitado sa mga makapangyarihan at may pribilehiyo. 

“Sama-sama nating patunayan na sa Pilipinas, ang katarungan ay para sa lahat, at hindi lang gawa-gawa lamang.”

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila