Tiniyak ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda na may suplay ng pagkain para sa 9,829 pamilyang naninirahan sa mga danger zone na nakapalibot sa nag-aalborotong Bulkang Mayon.
Dahil sa pagtaas ng volcanic activity kamakailan sa Alert Level 3, humiling si Salceda kay Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ng food packs para sa mga apektadong residente.
“We hope that the DSWD [Department of Social Welfare and Development) will be able to grant at least 50% of the food pack requirements for the 45-days scenario, considering that most these requirements will materialize once Alert Level 4 is declared,” aniya.
Ang request ni Salceda, na isinumite noong Huwebes, Mayo 8, ay naglalayong tugunan ang mga pangangailangan sa pagkain para sa dalawang potential evacuation scenarios: isang 45-day at 90-day period. Batay sa historical data sa aktibidad ng bulkanng Mayon, sinabi niya ang pinakamatagal na evacuation period at tumatagal ng hanggang 47 hanggang 90 na araw.
Upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente, humiling si Salceda ng 147,435 food packs para sa 45-day scenario at 294,870 food packs para sa 90-day scenario. Inaasahan din niya na hindi bababa sa 50% ng food pack requirements para sa 45-day scenario ang maibigay ng DSWD.
Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Gatchalian at sinabing ang mga DSWD warehouse sa Albay ay nakapag-imbak na ng 60,000 food packs, na may karagdagang 40,000 na makukuha sa mga karatig na bodega sa buong rehiyon.
“Cong, we can most definitely provide support to your LGUs, going even further than the 50 percent of the 45-day scenario,” aniya.
Pinasalamatan naman ni Salceda si Gatchalian sa mabilis na pagtugon ng DSWD sa pagbibigay ng food packs para sa mga apektadong pamilya sa mga munisipalidad ng Camalig, Daraga, Guinobatan, Santo Domingo, at Malilipot. Ang mga lugar na ito ay nasa loob ng 6-kilometer permanent danger zone at 7-kilometer danger zone, kung saan ipinayo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang agarang paglikas sa ilalim ng Alert Level 3.
Kasunod ng payo ng PHIVOLCS, mahigit 18,000 indibidwal mula sa 4,749 na pamilya ang matagumpay na nailikas sa mga gusali ng pampublikong paaralan at mga naunang natukoy na evacuation center. Binigyang-diin ni Salceda na ang limang bayan na kanyang pinagtuunan ng pansin, ang Camalig, Daraga, Guinobatan, Santo Domingo, at Malilipot, ay nahaharap sa panganib.
“Southeast quadrant, and Malilipot, in the Northeast – these have the most people exposed to immediate risk. So, we prepare what we need for their evacuation first, before anything else.”
Ang Southeast quadrant, na binubuo ng Camalig, Daraga, Guinobatan, at Santo Domingo, ay mayroong 7,963 pamilya o humigit-kumulang 29,880 indibidwal na nasa agarang panganib. Bukod pa rito, ang Northeast quadrant, na kinakatawan ng bayan ng Malilipot, ay sumasaklaw sa 1,966 pamilya o 7,226 indibidwal.
Inanunsyo rin ni Salceda na 5,000 food packs na ang nailabas sa mga bayan ng Guinobatan, Camalig, at Santo Domingo. Nagpahayag siya ng lubos na pasasalamat kay Gatchalian, na nagpadali sa agarang tulong mula sa DSWD.
“We are also in touch with the DSWD Regional Field Office V, and we are requesting other essential food and non-food items with other agencies, including hygiene and sanitation needs.”
Photo credit: Facebook/pioalbay2023/