Muling tinyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itataguyod ng kanyang administrasyon ang karapatan ng mga tao sa impormasyon at paglaban sa fake news.
“As a nation with a robust democracy, we reaffirm our commitment to champion this basic human right. It remains indelibly etched in our fundamental law,” aniya.
“We value its potency to empower our people to make informed decisions to participate fully in our democratic processes, and hold their representatives accountable without fear or apprehension.”
Sa Opening Ceremony ng 14th Edition ng Conference of Information Commissioners (ICIC) na ginanap sa Philippine International Convention Center, pinuri ni Marcos ang pagsisikap ng ICIC sa pagsusulong ng right to access information at pagyamanin ang inclusive environment.
Nanawagan rin siya sa lahat ng sangay ng gobyerno na itaguyod ang freedom of information (FOI) at nangako na pangunahan ang laban kontra sa maling impormasyon at disinformation sa bansa.
“I reiterate our call not only to the executive branch, but to all branches of government, to genuinely uphold and give effect to the people’s freedom of information in the course of our day-to-day operations, with good faith and with openness.”
Sa muling pagpapatibay ng suporta ng Pilipinas sa misyon ng ICIC, tiniyak ni Marcos ang pangako ng bansa sa pagtataguyod ng FOI sa pamamagitan ng whole-of-nation approach. Binalangkas niya ang mga kasalukuyang hakbangin ng pamahalaan, kabilang ang inisyatiba ng E-Governance, na naglalayong i-streamline at i-digitize ang mga pangunahing serbisyong ibinibigay ng mga tanggapan ng gobyerno at local government units.
Dagdag pa rito, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng FOI Program sa paglaban sa maling impormasyon at disinformation.
“Like everyone here, we too recognize as a matter of principle that fake news should have no place in modern society,” aniya.
“As part of our efforts, we will undertake a massive Media and Information Literacy Campaign, which shall be digital, multi-media, and youth-oriented.”