Nilagdaan na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Maharlika Investment Fund Bill (MIF) at lalarga na sa Malacañang para sa huling lagda mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos.
“The Maharlika bill is a priority measure, and the Estate Tax Amnesty Extension is very time-sensitive. Marami nang naghihintay sa mga bills na ito (Many are waiting for [these] bills). Fortunately the enrolled copies were already prepared by the time Secretary Bantug was set to join us in Washington,” aniya sa isang pahayag
Nilagdaan ni Zubiri ang MIF bill kasama ang dalawa pang mga enrolled measures, ang Estate Tax Amnesty Extension Act at ang ang batas na kumikilala sa Baler, Aurora bilang birthplace of Philippine Surfing.
Ito ay matapos personal na dalhin ni Senate Secretary Renato Bantug sa Washington D.C ang mga kopya ng enrolled bills na kasama sa mismong Senate delegation ayon kay Zubiri.
“This was at no expense to the Philippine government, kasi kasama naman talaga namin si Secretary Bantug sa Senate delegation. Isinabay na lang dalhin itong (because Secretary Bantug is really with us in the Senate delegation. He just brought with him these) enrolled bills,” paliwanag ng pangulo ng Senado.
Ilan pa sa mga parte ng working visit ay sina Philippines Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez at Senador Francis Tolentino na nasaksihan din ang pirmahang naganap.
Kasalukuyang nasa Washington D.C si Senate President Zubiri para dumalo sa scheduled meetings kasama ang mga miyembro ng United States Congress at US government agencies.
Photo credit: Facebook/migzzubiri