Tuesday, November 26, 2024

Light It Up! Gov. Ortega-David Todo Kayod Para Sa Mas Maliwanag, Ligtas Na La Union

6

Light It Up! Gov. Ortega-David Todo Kayod Para Sa Mas Maliwanag, Ligtas Na La Union

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Makakaasa na ang mga taga La Union ng mas maliwanag at ligtas na mga daan sa probinsya dahil unti-unti nang nagkaroon ng katuparan ang matagal nang plano ni Governor Rafy Ortega-David para dito.

Sa social media, inanunsyo ni Ortega-David na bumisita sa La Union ang mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang talakayin ang proyekto. Ito ay matapos niyang magpadala ng proposal sa ahensya para gawing mas maliwanag at mas ligtas ang main roads ng probinsya.

I am very happy that we have active partners from the DPWH who would like to work with us for this project to come into fruition. I initiated this proposal with the safety, security and convenience of the Kaprobinsiaan in mind and I will continue to push forward para po ma-achieve natin ito,” pahayag ng gobernadora.

Tiniyak niya sa mga mamamayan na makakaasa sila ng maayos at mahusay na serbisyo, salamat sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan ng La Union sa national government.

As your governor, isa po talaga ang improvement ng transportation systems natin sa mga commitments ko when I assumed, that is why asahan po ninyo that we will continue to strengthen our partnerships with our national government para po makapagpadala ng maganda at maayos na serbisyo sa inyo. Light up, La Union, let’s go!” pagtatapos ni Ortega-David.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila