Nanguna si dating presidente, Rodrigo Roa Duterte, sa listahan ng mga napupusuang tumakbo bilang senador sa 2025 elections ayon sa isang survey.
Sa 34 na mga pangalan sa politika, unang una si Duterte na nakakuha ng 55% ng boto mula sa mga respondents ng survey na isinagawa at isinapubliko noong ika-23 ng Marso ng Pahayag First Quarter. Natanggap naman niya ang pinakamataas niyang suporta sa Mindanao na may botong 66% at 68% naman na boto mula sa mga may edad 30-39 taong gulang.
Kasama sa listahan ang mga personalidad na dati nangtumakbo noong halalan taong 2022. Pumangalawa sa napipisil si Doc Willie Ong na dati nang tumakbo sa pagka bise presidente. Pantay naman sa pwesto sina Christopher “Bong” Go at Maria Imelda “Imee” Marcos.
Nasa pang pitong pwesto rin sa listahan sina dating Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Vicente “Tito” Sotto at Panfilo “Ping” Lacson. Pangwalo sina Ronald “Bato” Dela Rosa kasama si Gilbert “Gibo” Teodoro.
Sa pang sampung pwesto naman sina dating bise presidente Maria “Leni” Robredo kasama ang abogadong si Jose Manuel “Chel” Diokno at dating spokesperson Harry Roque.
Ang nagsagawa ng nasabing survey ay ang Pahayag First Quarter, isang independent at non-commisioned survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc na minentena ng PureSpectrum mula sa kanilang opisina sa Singapore. Kung saan ang mga samples na hatid nila ay walang kaakibat at kinikilingang partido sa politika.