Saturday, November 23, 2024

Nasaan Ang Mayon?! Rep. Salceda Umalma Sa DOT

21

Nasaan Ang Mayon?! Rep. Salceda Umalma Sa DOT

21

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Umalma si Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa hindi pagsama sa Mayon Volcano sa bagong official tourism promotion video ng Department of Tourism (DOT).

Sa isang pahayag, sinabi ni Salceda na dismayado siya sa kanyang kaibigan na si Tourism Secretary Christina Frasco dahil sa nangyari.

“I am more disappointed in the response that I should not bring this issue up because, anyway, Mayon is included in the 50 major volcanoes and mountains represented (by a pixel!) in the official tourism logo and slogan.”

Dagdag ng mambabatas, ang desisyon na hindi isama ang Mayon sa promotional video ay may malaking implikasyon para sa Albay at sa buong rehiyon ng Bicol, kung saan ang turismo may malaking papel sa kabuhayan ng libu-libong pamilya. 

“It would not have cost much to include just a scene of Mayon, but it would have meant the world to Albay families relying on tourism for their bread and butter.”

Binanggit din ni Salceda na nasa Albay din ang Bicol International Airport na tinaguriang “the most scenic international gateway in the country.” Ikinatwiran niya na malaki ang matitipid gobyerno gamit ang nasabing airport sa promotion ng Mayon and Albay.

Sinabi pa niya na hindi rin matatawaran ang kahalagahan ng Albay bilang isang tourist destination. Bago ang pandemya, nakapagtala ang rehiyon ng 1.32 turista sa bawat residente. Natalo nito ang sa Central Visayas, ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng turismo, na nakapagtala lamang ng 1.17 turista sa bawat residente. 

Dagdag pa ni Salceda, malaking bahagi ng ekonomiya ng Bicol Region ay umaasa sa turismo. Noong nakaraang taon, ang accommodation and food service sector, na direktang naapektuhan ng turismo, ay nag-ambag ng 1.93% sa kabuuang regional GDP ng Bicol, kumpara sa pambansang average na 1.80%.

Bilang pagbibigay-diin sa positibong epekto ng pagsuporta ng national government sa isang lugar, ibinahagi ni Salceda ang kanyang kwento ng tagumpay bilang dating gobernador ng Albay. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang foreign tourist arrivals sa Albay ay tumaas mula sa 8,700 lamang noong 2006 hanggang sa 374,000 noong 2015. 

“We credit this partly to how we were proportionately featured in promotional material over the same period by the National Government.”

“Mayon deserves better than a pixel in the logo where you need strained eyes to see it.”

Ipinaalala rin ni Salceda na ang Mayon ay isang pambansang simbolo at isa sa tatlong UNESCO-declared biosphere reserves sa bansa.

“Secretary Frasco, ask all your predecessors in the DOT. Mayon deserved better treatment. You failed Albay — but this can be rectified,” panawagan niya.

Photo credit: House of Representatives Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila