Sunday, November 24, 2024

More Energy! Gatchalian Nanawagan Sa Pagpapatupad Ng EVOSS

15

More Energy! Gatchalian Nanawagan Sa Pagpapatupad Ng EVOSS

15

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Muling nananawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na ipatupad na ang Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS) system para sa mga prospective investors. 

 

“Itinulak natin na ma-institutionalize ang EVOSS para mapabilis ang proseso ng pagpapahintulot ng mga generation projects na makakatulong para magkaroon ang bansa ng iba’t-ibang pagkukunan ng enerhiya at maisaayos ang suplay ng enerhiya ng bansa,” saad niya.

 

Ito ay kasunod ng ulat ng World Wide Fund na nagsasabing ang red tape ay patuloy na humahadlang sa pag-unlad ng renewable energy industry sa bansa.

 

“Kailangang maipatupad nang maayos ang mga probisyon ng batas dahil ito ang magsisiguro na magkakaroon ang bansa ng sapat na suplay ng enerhiya sa panahon na kailangan natin ito,” giit pa ni Gatchalian.

 

Sinabi pa niya na upang makaakit ng mga private investors ay kinakailangan ng naaangkop na mga kondisyon ang mga pagsisikap na ginagawa ng gobyerno para sa pag-unlad ng ekonomiya.

 

Ang Republic Act 11234 o EVOSS Act ay inaasahang magpapabilis ng pamumuhunan ng sektor ng enerhiya. 

 

“Ang layon ng batas ay bawasan o alisin ang ilang permit at makaakit ng mas maraming mamumuhunan. Kaya, dapat tiyakin ng DOE na lahat ng mga probisyon ng batas ay maipapatupad agad,” dagdag nni Gatchalian.

 

Siya ay ang kasalukuyang nagsisilbing Vice Chairperson ng Senate Committee on Energy.

 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila