Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri sa mga negosyante na imbes na bumili ng mga ng luxury cars ay gamitin ang kanilang yaman sa pagpapataas ng sahod ng kanilang mga empleyado.
“Siguro wag na muna sila bumili ng supercar. Ibigay na lang muna ang pera na yan sa mga laborers nila,” pahayag niya sa isang tv interview.
Pinunto ni Zubiri na ang halaga ng Lamborghini na P40 million ay dapat na inilalaan na lamang sa pagsuporta sa mga manggagawa.
“Nakita nyo na ba ang mga sales ng mga supercars, nakita nyo na ba ang mga sales ng mga Ferrari, Lamborghini, Porsche? Nagkakaubusan. Dahil ang mga negosyante happy-happy they’re back to pre-pandemic levels,” saad pa niya.
Hindi ikinatuwa ng mambabatas ang inaprubahang P40 na dagdag sa daily minimum wage para sa mga Metro Manila workers, kaya’t itinataguyod niya ang dagdag na P100 across-the-board hike.
Naniniwala si Zubiri na ang mga negosyante ay may financial capacity para suportahan ang taas-sweldo.
“I have many friends that are the top 20 billionaires of this country. They can afford it.”
Binigyang-diin din niya ang importansya ng pagtaas ng capacities at overall happiness index ng mga mangagawa bilang isang mahalagang hakbang tungo sa mas patas na lipunan.