Naniniwala si House Committee on Labor and Employment Chairman and Rizal 4th District Representative Fidel Nograles na dapat na agresibong kumilos ang gobyerno para ibaba ang halaga ng mga pangunahing bilihin upang mapunan ang wage hike.
“Our efforts to improve workers’ quality of life should not stop with a wage hike. We also need to aggressively move to lessen the cost of commodities to increase workers’ purchasing power,” saad niya.
Ito ay matapos aprubahan ng wage board ang P40 na umento sa minimum wage sa National Capital Region, na naging epektibo noong July 16.Â
Bunsod ng wage adjustment, ang minimum wage sa Metro Manila ay naitaas sa P610 mula P570 kada araw.
Bagama’t ikinatuwa ni Nograles ang pagtaas ng sahod ay inamin niyang maaaring ituring itong maliit ng mga manggagawa kung isasaalang-alang ang tumataas na presyo ng mga bilihin.
Ito rin ang dahilan kung bakit sinisikap niyang maipatupad sa sektor ng agrikultura at transportasyon ang layunin upang lumiit na lamang ang babayaran ng mga manggagawa sa pagkain at pasahe.Â
“We need to have a balanced response to the issues that our workers face. Hindi lang wage increase ang solusyon. Kailangan din nating ayusin nang sabay ang problema sa agrikultura at transportasyon para mas malaki ang take-home pay ng mga kababayan natin,” giit ng mambabatas.
Nagpahayag din siya ng optimismo sa administrasyong Marcos na kinikilala rin ang mga isyung ito at nagsisikap na matugunan ang mga ito.
Nangako si Nograles na ipagpapatuloy ng Kongreso ang pagpupulong hinggil sa iba’t-ibang panukala upang madagdagan pa ang sahod kapag natuloy na ang sesyon ngayong buwan.