Friday, November 22, 2024

Para Mas Maayos! Co Sang-ayon Sa Paglipat Ng PhilHealth Sa OP

6

Para Mas Maayos! Co Sang-ayon Sa Paglipat Ng PhilHealth Sa OP

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sinang-ayunan ni BHW Partylist Representative Angelica Natasha Co ang mungkahing paglipat ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Office of the President (OP).

“I agree with the proposed transfer of PhilHealth to the Office of the President because this move could improve accountability, processes, and performance at PhilHealth,” aniya sa isang pahayag.

Ayon kay Co, wala pang nakikitang malinaw at epektibong solusyon mula sa PhilHealth hinggil sa korapsyon, maliban sa karaniwang paglilipat ng mga sangkot na opisyal at tauhan. Dagdag pa niya, kailangan ang forensic financial audits upang matuklasan ang korapsyon at sabwatan na malalim nang nakabaon sa sistema at field operations ng PhilHealth.

Iginiit din niya na wala pang nakikita na criminal prosecutions at convictions na nagresulta sa maraming imbestigasyon at paglalantad, at nakakalusot ang mga tiwali sa kanilang karumal-dumal na gawain. Hindi napaparusahan ang mga nagsasabwatan, habang tangay ang bilyon-bilyong public at private funds sa pamamagitan ng kanilang organized scams.

Isa pang inaasahan ng mambabatas na maidudulot ng paglipat ng ahensya sa Malacañang ay ang mga bagong package para sa mga senior citizens, persons with disabilities, persons with special needs, at mga atleta, anuman ang edad.

Photo credit: Facebook/PhilHealthOfficial

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila