Friday, November 22, 2024

‘Ako Ang Bahala Sa Mga Adik’ Digong Suportado Si Abalos

3

‘Ako Ang Bahala Sa Mga Adik’ Digong Suportado Si Abalos

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpa-abot ng pagbati at mensahe si dating pangulong Rodrigo Duterte kay Interior Local Government Secretary Benhur Abalos sa kaniyang kaarawan. 

Sa isang video greeting, binati at nagpahayag ng suporta at mensahe ang dating pangulo para kay Abalos. 

“Saludo ako sayo! Tutulong ako sayo, nasa likod mo ako. Tawagin mo lang ako,” pahayag niya. 

“Mahusay kang trabahante…I know you are a worker by heart, kaya naman ako, ganon na lang [d]in ang tingin ko sayo, ang respeto ko say.” 

Biniro naman ni Duterte ang kalihim hinggil sa mga adik sa Maynila at nagpahayag na handa itong tumulong sa kaniya. 

“Kung kailangan mo ako, paalamin mo lang ako. Kung gusto mo ubusin ang adik sa Maynila, itapon mo sakin, ako na bahala,” aniya. 

Sa kaniyang social media post, nagpahayag si Abalos ng kaniyang pasasalamat  hinggil  sa naturang video greet. 

“I am deeply honored and grateful to receive a birthday greeting from no less than the former President Rodrigo Duterte…Your dedication to the welfare of the Filipino people is commendable, and I am inspired by your unwavering commitment to our nation.Thank you for making my birthday even more memorable with your thoughtful greeting!” aniya. 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila