Binatikos ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. ang administrasyong Marcos at tinawag itong “failure” dahil sa kawalan ng improvement sa buhay ng mga Pilipino matapos ang isang taong panunungkulan nito.
Sa isang online broadcast, aniya, isa sa mga pangakong binitawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang P20 na presyo kada kilo ng bigas na mahigpit na binantayan ng masang Pilipino nang maupo siya sa pagkapangulo noong nakaraang taon na hanggang ngayon ay wala pa ring nangyari.
“Why is it that the prices of rice continuously increase? Where did the P20 a kilo go?” tanong ni Teves.
Sa broadcast, na tinawag niyang “Real SONA,” tahasang tinawag ng kongresista na “failure” ang panunungkulan ng Pangulo sa lahat ng aspeto ng buhay, lalo na’t ang administrasyon ay markado ng mga iregularidad at katiwalian.
“The national debt now amounts to P14.1 trillion. Meaning, each Filipino, including a new born child already has a P113,000 debt,” giit niya.
Binanggit din ni Teves ang kamakailang talumpati ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kung saan sinabi ng alkalde na ilang pulitiko ang walang interes sa good governance at hinamon pa ang mga mambabatas na isuko ang kanilang pork barrel dahil handa siya at iba pang senior police police officers na mag-alok ng kanilang pension para lamang mabayaran ang utang ng bansa.
“Why create the Maharlika Investment Fund wherein the country is sinking in trillions of debt?” dagdag pa niya.
Kinuwestyon din ni Teves ang paggasta ng gobyerno ng milyun-milyong piso para lamang sa pagpapalit ng tourism slogan, na kalaunan ay “nagdala ng kahihiyan” sa bansa matapos mapag-alaman na ang gumawa nito ay pumili lamang ng mga materyales nito mula sa internet na galing din sa ibang mga bansa.
Itinaas din niya ang isyu hinggil sa isinagawang raid ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Las Piñas City kung saan kinuwestyon ni Justice Secretary Crispin Remulla ang operasyon ng pulisya dahil sa kawalan ng due process.
“Why the due process easily applies to POGO, wherein to ordinary Filipinos it does not as well as in my case in Negros Oriental? Where is due process in that particular case. The SOJ pronounced that the case is 99 percent solved, for in fact all their witnesses have retracted,” diin ni Teves.
Binanggit din niya ang iregularidad ng 2023 General Appropriations Act, kung saan ipinag-utos ng Saligang Batas na ang Department of Education ang dapat na bigyan ng pinakamataas na budget sa halip na Department of Public Works and Highways.
Sinabi rin ni Teves na maraming malalaking kumpanya ang pag-aari ng mga pulitiko sa bansa. Partikular niyang binanggit ang Prime Media Holdings/ABS-CBN.
“These are some of my observations I would like to share with the Filipino people, which I think it’s the real SONA. The BBM government, for me, is a failure. Bagsak!” giit niya
Photo credit: Facebook/ArnieTevesOfficial