Thursday, November 28, 2024

Handang Magbitiw? Padilla Dinepensahan Ang Hand Gesture Sa SONA

3

Handang Magbitiw? Padilla Dinepensahan Ang Hand Gesture Sa SONA

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dinepensahan ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla ang paggamit ng “Kalima La ilaha ilalah” hand gesture sa pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas matapos siyang mapuna sa social media.

“I always do the ‘Kalima La ilaha ilalah’ with my hand here. Why can’t you do that? I would rather resign than somebody telling me I cannot (practice) my faith,” pahayag niya sa gitna ng kanyang pakikipagpulong sa mga bisita galing sa Malaysia.

Noong Lunes, nagkaroon ng mga online comments si Padilla dahil sa kanyang hand gesture sa pag-awit ng “Lupang Hinirang” bago ang pangalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang hand gesture ay sumisimbolo na iisa lang ang Diyos.

“I will never, never exchange my faith to be a politician,” aniya.

Mariin ding sinabi ni Padilla na handa siyang talikuran ang kanyang posisyon sa pulitika kung nangangahulugan ito ng malayang pagsasabuhay at pagpapahayag ng kanyang mga paniniwala sa relihiyon.

“If I will not be successful in pushing for a federal parliamentary form of government I’d rather be an imam, I’d rather go to Malaysia and study the Koran than be a senator.”

Photo credit: YouTube/@RTVMalacanang

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila