Ipinahayag ni dating Office of the Vice President (OVP) spokesperson na si Barry Gutierrez ang kanyang pangamba hinggil sa napapabalitang direktiba ng Department of Education (DepEd) na umano’y nag-uutos sa mga guro na isabit ang portrait ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga classroom at pinturahan ng berde ang bawat pasilidad ng edukasyon.
“I truly hope that this is not the kind of thing being done in today’s DepEd,” aniya sa social media.
Bagkus, hinimok ni Gutierres ang mga awtoridad na unahin ang mga mahahalagang isyu, tulad ng pagtaas ng budget sa edukasyon.
“What ever happened to raising education spending to 6% of GDP (gross domestic product) in line with international standards? Of course more money for education only works if it is also spent properly.”
Ang bulung-bulungan sa social media ay nag-utos umano ang DepEd sa mga guro na magpinta ng berde sa mga pader ng classrooms, na sumisimbolo sa kulay ng kampanya ni Duterte mula noong siya ay panunungkulan bilang mayor ng Davao City.
Bukod pa rito, kailangan din umanong isabit ang opisyal na larawan ni Duterte sa bawat classroom, na nagpapakitang nakasuot siya ng berdeng terno.
Ang nasabing direktiba ay hindi pa opisyal na kinukumpirma o itinatanggi ng DepEd.
Photo creditL Facebook/DepartmentOfEducation.PH