Isa si La Union Governor Rafy Ortega-David sa mga dumalo sa pulong ng iba’t ibang government agencies sa Ilocos Norte, sa pamumuno ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., upang suriin ang lawak ng pinsalang dulot ng Super Typhoon Egay.
Sa social media, ibinahagi ni Ortega-David na ang lalawigan ay nabigyan ng P15 milyon na cash assistance at dalawang set ng generator upang makatulong sa recovery efforts.
“As recovery efforts continue, asahan niyo po na these resources will be utilized effectively, efficiently, and transparently to benefit every affected Kaprobinsiaan!” pangako niya.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang gobernadora sa suportang natanggap at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa panahong ito ng pagsubok.
“As the region unites to heal and rebuild, I urge everyone to support each other and look ahead with optimism.”
“Together, with the #LaUnionPROBINSYAnihan spirit, we will overcome the challenges, forging a new chapter in La Union’s history – one that embodies strength, compassion, and hope in the face of adversity,” aniya.
Ang epekto ng Super Typhoon Egay ay nakaapekto sa 268 barangay sa La Union, at nakapinsala sa P37,312,222 sa agrikultura. Samantala, tinatayang nasa P295,000 ang pinsala sa imprastraktura.
Photo credit: Facebook/GovRafy