Dumalo si Governor Rafy Ortega-David sa inaugural Asia Pacific Youth Exchange (APYE) sa Cambodia, kung saan ipinahayag niya ang kahandaang gumawa ng pagbabago at ibinahagi ang best practices bilang unang babae at pinakabatang gobernador ng La Union.
Pinagsama-sama ng APYE ang mga kabataang lider mula sa Bangladesh, Cambodia, China, India, Indonesia, Myanmar, Nepal, Pilipinas, Vietnam, South Korea, Morocco, at Timor Leste upang makipag-collaborate sa mga makabagong solusyon at humimok ng makabuluhang pagbabago batay sa United Nations’ Sustainable Development Goals (SDGs).
Sa kanyang social media page, sinabi ni Ortega-David na ang APYE ay idinisenyo upang i-empower ang mga kabataan mula sa iba’t ibang bansa na tugunan ang mga global challenges at lumikha ng mga positibong pagbabago sa kanilang mga komunidad.
Sa taong ito, ang focus ay sa paghimok ng sustainable COVID-19 recovery sa pribadong sektor at pag-highlight sa makabuluhang papel ng kabataan sa paghubog ng isang mas magandang kinabukasan.
Ipinahayag din ni Ortega-David ang kanyang kagalakan sa pagiging bahagi ng APYE at binigyang diin ang kanyang pangako sa pag-empower sa mga kabataan ng La Union.
Nagbahagi rin siya ng insights sa mga hakbangin na isinagawa sa kanyang lalawigan, na naglalayong suportahan ang mga kabataang indibidwal at tiyakin ang kanilang aktibong pakikilahok sa mga decision-making processes.
“I am proud to share all that we are doing para sa kabataang Elyu. Nakakatuwa rin na hindi lang ako ang dumalo dito, may mga kasama pa tayong mga kabataang leaders from our province,” ayon sa gobernador.
“I am immensely grateful to APYE, the organizers, mentors, fellow participants, and every person who made this experience possible. Together, we have ignited a ripple effect of empowerment, and I can’t wait to see the waves of change we create in the world. Here’s to the beginning of a lifelong mission to empower and inspire! Let’s be the change we wish to see.”
Ayon sa APYE, ito ay nagsisilbing platform para sa diyalogo, pag-aaral, at inspirasyon para sa mga batang lider mula sa buong rehiyon ng Asia Pacific.
Photo credit: Facebook/GovRafy