Monday, November 25, 2024

Malabon Mayor Sandoval Tinaguriang ‘Epal Queen’ Ng Mga Netizens

141

Malabon Mayor Sandoval Tinaguriang ‘Epal Queen’ Ng Mga Netizens

141

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nahaharap ngayon si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa backlash mula sa mga netizens na binansagan siyang “epal queen.” Ang batikos ay nagmumula ng maraming makapansin na ang kanyang imahe at pangalan ay nakaplaster sa iba’t ibang pampublikong dokumento katulad ng mga certificate of recognition ng mga estudyante at senior citizen booklet, tarpaulin, at maging sa mga wedding cake.

Isang partikular na insidente na nagdulot ng pagkayamot sa mga netizen ay ang isang post sa Facebook na nagpapakita ng certificate of recognition ng isang estudyante na may imahe at pangalan ni Sandoval. 

“Kahit ako pag grumaduate di ko tatanggapin tas may mukha nya. Buong malabon may mukha nya na pati ba naman sa diploma,” komento ng isa. (Basahin dito: https://www.facebook.com/photo/?fbid=7236699356356827&set=a.592001920826637)

Ipinakita din sa isang post sa Reddit ang larawan at pangalan ni Sandoval sa isang purchase booklet ng mga senior citizen, na nag-udyok sa isang redditor na magkomento ng: “EPAL KA Jeannie Sandoval – Ikaw ba yung PWD at mas malaki pa picture mo jan sa booklet?”

Na-highlight din sa isa pang post sa Reddit ang isang “Libreng Sakay” na tarpaulin na may larawan at pangalan ni Sandoval, na umani ng batikos mula sa isang redditor: “EPAL KA Mayor Jeannie Sandoval at Mayor Eric Olivarez.”

Ang pagpuna sa self-promotion ni Sandoval ay hindi limitado sa mga Facebook at Reddit post, dahil ang mga gumagamit ng Tiktok ay nagpahayag din ng kanilang sama ng loob. Pinuna ng isang netizen ang alkalde dahil sa diumano’y paglalaan ng pondo para sa paglalagay ng kanyang larawan sa mga certificate habang nagpapabaya naman sa pagbabayad ng mga guro. (Panoorin dito: https://vt.tiktok.com/ZSL4FKXCN/)

Kahit na ang isang wedding cake ay hindi nakaligtas sa diumano’y promotional campaign ni Sandoval. Ayon sa isang Tiktok user, “Hanggang sa cake ba naman? Yung kayo ang ikinasal pero may bida bida kayong Mayor Jeannie Sandoval.” (Panoorin dito: https://vt.tiktok.com/ZSL4YhRuh/

Ang imahe at pangalan ni Sandoval ay nakita rin sa pakete ng mani, tulad ng ipinakita ng isang Tiktok user na pumuna sa alkalde sa umano’y paggamit ng mga taxpayers’ money para sa pag-promote ng sarili.  

“Galing sa tax ang pondo pero mukha ni mayor ang nakalagay. Only in the Philippines,” aniya. (Panoorin dito: https://vt.tiktok.com/ZSL4YuUdG/).

Sa isa pang pagkakataon, ang kanyang imahe at pangalan ay nakita pa sa isang bote ng alcoholic drink, na nag-udyok sa isang Tiktok user na magkomento ng sarkastikong, “Tagay muna pero dapat may mukha din ni Mayor Sandoval.” (Panoorin dito:  https://vt.tiktok.com/ZSL4YaC5p/)

Photo credit: Facebook/niwrehs.onamreg

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila