Saturday, January 11, 2025

La Union Public Schools, May Dagdag Pondo Mula Kay Gov. Rafy

12

La Union Public Schools, May Dagdag Pondo Mula Kay Gov. Rafy

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa pagpapakita ng La Union PROBINSYAnihan at dedikasyon sa edukasyon at pag-unlad ng kabataan, naghandog ng P6.79 milyon si Governor Rafy Ortega-David sa Department of Education La Union Schools Division at City Schools Division Office. 

Ayon sa Provincial Government of La Union (PGLU), ang kontribusyon ay para sa mga 453 public at integrated schools sa lalawigan. Ang pondo, na nagmula sa Special Education Fund ng Provincial School Board, ay nagbigay ng P15,000 sa bawat  public at integrated schools.

“I would like to thank the support of our Legislative Partner Board Member Cynthia Bacurnay, our support from our Provincial School Board, sa ating Provincial Planning and Development Office, at sa lahat ng Stakeholders natin for making this posible. And we want to continue this every year para maramdaman din po nila (schools) ang support ng PGLU,” pahayag ni Ortega-David na nagpapahayag din ng pasasalamat sa mga nasa likod ng pag-apruba sa tulong-pinansiyal.

Binigyang-diin din niya na ang inisyatibong ito ay higit pa sa pagtulong sa mga paaralan at guro. Ito rin ay nagpapahiwatig ng dedikasyon ng provincial government sa pagbibigay-kakayahan sa mga kabataan sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kanilang edukasyon at pagbibigay ng tamang kagamitan at makabuluhang mga kapaligiran para sa pag-aaral.

“In La Union, we have been investing in our education and this time, we will be more aggressive because everyone deserves quality education here in our province,” deklara ng gobernador.

Ipinahayag naman ni La Union Schools Division Superintendent Jorge M. Reinante ang kanyang pasasalamat kay Ortega-David at sa buong Provincial Government sa kanilang suporta.

“Daytoy naipaay tatta a financial assistance manipud iti Provincial Government of La Union headed by our Hon. Governor Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, ket very timely, adu ti papananna daytoy ta usaren dagiti eskwelaan daytoy iti repair, nangruna iti panag-repaint, panag-repair kadagiti tugtugaw, igatang iti lansa, barot, ken dagiti dadduma pay a mabalin a paka-repairanna, tapno mapapintas dagiti uneg ti pagadalan kasta met iti ruar dagiti pagadalan isu a dakkel a banag daytoy. It will go a long way.”

Nagpahayag din ng pasasalamat sa gobernador at sa PGLU si City Schools Division Superintendent Ely Ubaldo at ipinangako na malayo ang mararating ng tulong na ibinigay sa 33 paaralan sa City of San Fernando.

“Nais po naming ipabatid ang aming pasasalamat sa ating Provincial Government na pinapamunuan ng ating Gobernadora Rafy Ortega-David dahil kasama po ang 33 schools sa City Division of San Fernando na nabigyan ng financial assistance sa ating Brigada Eskwela 2023. We will see to it that we will pay back by teaching our learners become productive citizens of our province,” aniya.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila