Nananawagan ngayon ng imbestigasyon Anakalusugan Party-list Representative Ray T. Reyes laban sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) matapos ang malaking pagtaas ng sweldo ng mga executive nito noong nakaraang taon.
Inihain niya ang House Resolution 1261, na humihimok sa House Committee on Health na maglunsad ng komprehensibong imbestigasyon na naglalayong bigyang linaw ang tatlong beses na pagtaas ng sahod na ipinagkaloob sa mga matataas na opisyal ng PhilHealth.Â
Ang resolusyon ay kasunod ng mga nakakagulat na rebelasyon sa budget deliberations nitong linggo, kung saan kinumpirma ng mga opisyal ng PhilHealth ang nakakagulat na pagtaas ng kanilang sweldo.
“It is ridiculous and reeks with callous lack of empathy that PhilHealth thought it necessary to apply for a certification to increase their salaries and allowances threefold in the middle of a pandemic,” pahayag ni Reyes.
“They cannot even provide zero balance billing for its members despite collecting millions in additional premium contributions, billions in proceeds from investments, and multiple sources of funding provided by several statutes enacted for this very purpose,” pagpapatuloy niya.
Binanggit ng mambabatas ang kamakailang ulat ng Commission on Audit, na nagsiwalat na ang mga key management personnel ng PhilHealth ay nagkaroon ng windfall, at ang kanilang kinita ay umabot sa tumataginting na P71.45 milyon noong 2022. Ito ay kumakatawan sa halos tatlong beses na pagtaas kumpara sa P26. 2 milyon ang naitala noong 2021.
Nagpahayag din ng pagkabahala si Reyes kung nararapat ba ang naturang malaking pagtaas ng sahod para sa mga executive ng PhilHealth, dahil sa timing at hirap ng organisasyon na tuparin ang mahalagang mandato nito sa panahon ng pandemya.
“While Philhealth struggles to satisfactorily complete its mandate of being the nation’s health insurance provider, the Commission on Audit reported a 175 percent increase in the pay of Philhealth officials from 2021 to 2022, with some officials earning over half a million pesos in a single month during the midst of a raging pandemic,” aniya.
“The State of Public Health Emergency was only lifted in July 2023, casting doubt on the propriety of Philhealth’s request for a pay increase right in the middle of a pandemic,” dagdag ng mambabatas.
Higit pa rito, ipinahayag ni Reyes ang kanyang pagkadismaya sa PhilHealth na nasangkot sa panibagong kontrobersya.
“Heto na naman tayo, parang hindi natatapos ang gulo sa PhilHealth. Galit ang mga kababayan natin dahil tila ba sa halip na premium para sa bayan, nagiging premyo para sa mga opisyal ang nangyayari sa kanilang mga kontribusyon. Sa harap ng pagtaas ng singil sa premium, may takot na sa bulsa lang na naman ng iba mapupunta ang dagdag na pondong ito,” aniya.
Photo credit: House of Representatives Official Website