Matinding kinondena ng grupong Campaign Against the Return of the Marcoses to Malacañang (CARMMA) ang umano’y $2 milyon na donasyon ni House Speaker Martin Romualdez sa Harvard University para sa pagbuo ng kurso sa wikang Filipino.
Sa isang pahayag sa social media, nagpamalas ito ng pag-aalala hindi lamang sa malaking donasyon kundi pati na rin sa pag-take down sa isang news article na nag-uulat ng nasabing kontribusyon.
Nagsimula ang kontrobersiya nang iniulat sa isang news website na si Speaker Romualdez, pamangkin ni dating First Lady Imelda Marcos at first cousin ni Pangulong Bongbong Marcos, ay nag-donate diumano ng $2 milyon sa Harvard University para sa pagtatatag ng kursong Filipino. Gayunpaman, ilang sandali lamang matapos itong ma-i-publish ay bigla na lamang nawala ang ulat sa nasabing website.
“We, in CARMMA, are concerned about what appears to be press censorship with the removal of the article,” ayon sa grupo.
Ang donasyon mismo ay nakapagpataas ng kilay ng CARMMA dahil sa malaking halaga nito. Ayon dito, ang $2 milyon na kontribusyon, gaya ng iniulat ng Harvard Crimson, ay bumubuo ng malaking bahagi ng idineklarang yaman ni Speaker Romualdez, na tinatayang nasa pagitan ng $8-10 milyon.
Ang katanungan ngayon ng grupo ay saan nagmula ang pondo at ano ang motibasyon ni Speaker Romualdez para diumano ay itago ang donasyon.
Kinuwestiyon pa nito kung ano ang sikreto sa nasabing donasyon, at sinabing, “Why the need to keep the donation a secret? Is it because Speaker Martin Romualdez is a philanthropist who quietly helps? Or because the Marcoses and the Romualdezes don’t want the public to know where the funds come from?”
Hinahamon din ng CARMMA ang paniniwala na ang donasyong ito ay isa lamang altruistic effort upang itaguyod ang kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
“We can’t simply be happy just because the $1million or $2 million donation will go to teaching the Filipino language at a prestigious school like the Harvard University. How can we be happy if the funds came directly from the thief’s family, which until now remains unaccountable forbillions of dollars of ill-gotten wealth?”
Iginiit din nito na ang pagtuturo ng wika ay isang political endeavor na maaaring samantalahin para sa historical distortion. Nagbabala ang grupo, at sinabing, “It can be used to spread historical distortion such as the Marcos dictatorship were golden years, there was no plundered wealth nor human rights violation.”
Kinswetyon din ng grupo kung bakit kailangang pondohan ng mga Pilipino ang pagtuturo ng kanilang sariling wika sa Harvard University, na isa sa pinakamayamang institusyon sa mundo.
“If Harvard really sees the importance of including the teaching of Filipino in its curriculum, why do Filipinos need to fund it? Why should the money come from us, from a poor country to the richest university in the world?”
“The historical revisionism and narrative change of the Marcoses truly know no bounds — not only in the Philippines, but overseas, as far as America. These moves to deodorize their name, as they enjoy their stay in power, all fail to silence the struggle of Filipinos to demand truth and justice and to call for accountability for all the sins of the Marcoses,” pagtatapos ng CARMMA.
Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH