“Pag Inggit… Pikit.”
Yan ang banat ni La Union Governor Rafy Ortega-David sa mga nasa likod ng mass reporting laban sa kanyang Facebook page na humantong sa pagkaka suspinde nito.
Ayon kay Ortega-David, mabilis namang naibalik ito ng kanyang team at nalaman na ang maikling suspensiyon ay dahil sa mass reporting ng “Violation of Community Standards” ng Facebook.
“WE ARE BACKKK!!! … kayo ang saksi na walang violation na makikita o nagawa ang Rafy Ortega-David page …, ” aniya.
Kinuwestyon din ng gobernador ang motibo sa likod ng mass report activity, at sinabing, “Magkano kaya ginastos para lang diyan? Ang dami po kasi ninyong nagsusuporta sa atin baka may mga nainggit po.”
Patawa niyang idinagdag, “Barangay Elections palang ang mangyayari mga beshy! Di naman ako tatakbong Kapitana o Kagawad?”
Ngunit sa kabila ng mga pangyayari, muling pinagtibay ni Ortega-David ang pangako sa kanyang mga kaprobinsiaan nang patuloy na paghahatid ng “PUSO at SERBISYO” sa lalawigan.
“Good at positive vibes ang lagi nating pinapairal at hinding-hindi tayo matitinag sa mga ganitong pamamaraan,” ayon sa gobernador.
“Tayo ang La Union, the Union, We are together, We are one, WE ARE LA UNION PROBINSYAnihan! (Sing with me!),” dagdag niya.
Ang mabilis na pagkaka-restore ng Facebook page ni Ortega-David ay umani naman ng papuri mula sa kanyang mga tagasuporta.
Komento ni Jerome Bryan Emperador Quiñones: “Ang ganda mo kasi Gov, xaka aktibong aktibo kaya naiinggit sila.”
“iNggit lang siLa GOV Rafy Ortega-David .. jUst keep on doing a right thing for our PROVINCE,” ayon naman kay Maria Kimberly Ramos.
Dagdag ni MaWi Mawzki: “Welcome back Gov. Rafy Ortega-David !! Tuloy ang LA UNION PROBINSYANIHAN!”
Photo credit: Facebook/GovRafy