Mariing hinimok ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Redrico Maranan sa reinstatement ni Executive Master Sergeant Verdo Pantollano – na na-relieve sa tungkulin dahil sa pagdawit sa pangalan ni Vice President Sara Duterte sa Commonwealth Avenue traffic congestion.
Ang panawagan para sa reinstatement kay Pantollano ay kasunod ng pahayag ni Acting Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Rolando Artes, na nagbigay-diin sa kaugalian ng pagbibigay ng courtesy sa mga VIP kapag gumagamit ng mga pampublikong kalsada.
Paglilinaw niya, “We extend courtesy especially to the President and Vice President because they have security concerns and not for anything else, privilege, and entitlement.” Nabanggit din ni Artes na ang courtesy na ito ay ibinibigay din sa foreign dignitaries gaya ng heads of state na bumibisita sa bansa kung saan ang MMDA ay naghanda upang ayusin ang mga traffic management plans upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko.
Umiwas noong una si Belmonte na mag-react nang ma-relieve sa tungkulin si Pantollano, dahil naniniwala siyang maaaring nakagawa ito ng maling gawain. Gayunpaman, nagbago ang kanyang paninindigan kasunod ng paglilinaw ni Chairman Artes at ang maliwanag na kawalan ng aksyon na ginawa laban sa mga tauhan ng MMDA na naroroon din naman sa parehong viral video.
“Following the clarification made by Chairman Artes, I feel that an injustice was committed against Pantollano and must be rectified, regardless of who the VIP was. The cop must be reinstated as he was simply doing his job,” giit niya.
Photo credit: Facebook/QCGov