Wednesday, November 27, 2024

Beyond Repair Na! Sen. Hontiveros Pabor Sa Hindi Pagpapatupad Ng MIF Act

6

Beyond Repair Na! Sen. Hontiveros Pabor Sa Hindi Pagpapatupad Ng MIF Act

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sinegundahan ni Senador Risa Hontiveros ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itigil ang pagpapatupad ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act, at sinabing hindi na ito kaya pang ayusin. 

“Ang desisyon na isuspinde ang pagpapatupad ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act ay magandang balita para sa lahat ng mga Pilipino at para sa ating ekonomiya,” aniya.

Ayon kay Hontiveros, ang pagpapahinto ng implementasyon ng MIF Act ay nagpapakita na napakinggan na ng Pangulo ang mga babala tungkol sa nasabing batas. Sinabi pa niya na maraming probisyon sa MIF Act ang nangangailangan ng masusing pagsusuri, at ito ay hindi basta-bastang maisasaayos, dahil sa malinaw na minamadali ang proseso nito, at ang bansa ay hindi handa na suportahan ang isang wealth fund.

Isa sa mga pangunahing isyu na binanggit niya ay ang di-umano’y maling pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa Senado na mayroong labis na pondo ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) na maaaring ilagak sa MIF. 

“Tila wala siyang kakayahang makita ang maaaring masamang epekto dulot ng panggugulo sa finances ng LandBank at DBP. Dati pa naman siyang BSP (Bangko Sentral Ng Pilipinas) Governor,” aniya.

Dagdag pa ng mambabatas, ang MIF, kasama ng mga kahinaan nito, ay maaaring magdulot ng banta sa kakayahan ng LandBank at DBP na magbigay ng pautang para sa mga magsasaka, mangingisda, at mga agri-entrepreneurs na higit sa P700 bilyon. Ayon pa sa BSP, kinakailangan pang irecapitalized ang DBP at LandBank, at ang mga pondo para dito ay manggagaling pa sa utang ng bansa.

“Dapat manatiling suspendido ang implementasyon ng MIF Act hanggang maresolba ang bawat kahinaan o alalahanin hinggil sa batas na ito. Hindi dapat maging pabaya ang pamahalaan sa perang pinaghirapan ng mamamayan,” panawagan pa niya. 

Ayon sa memorandum na inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong ika-12 ng Oktubre, itinigil na pansamantala ang implementasyon ng implementing rules and regulations o IRR ng MIF Act, sa utos ng Pangulo. Sinabi rin ni niya na ito ay “pending the further study” ng IRR.

Ipinag-utos naman ni Bersamin sa National Treasurer at mga chief executive officer ng LandBank at DBP na ipabatid ang nasabing desisyon sa lahat ng mga kinauukulan na departamento, opisina, at iba pang ahensya. 

Ang Republic Act No. 11954, na ipinasa noong ika-18 ng Hulyo, ang nagtadhana ng IRR para sa MIF Act sa loob ng 90 araw. Ngunit 41 araw lamang matapos ito, noong ika-28 ng Agosto, inilabas na ng Bureau of the Treasury ang nasabing IRR.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila