Inilabas ng non-government organization na RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang resulta ng pinakabagong “Boses ng Bayan” performance survey, na kinikilala ang natatanging pamumuno at pamamahala ng mga city mayor sa buong Pilipinas.
Nanguna si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City sa listahan ng “Top Performing City Mayors,” dahil sa pagkakaroon ng 94.08% performance score.
Kasama rin sa top tier sina Eric Singson ng Candon City (93.31%), Jeannie Sandoval ng Malabon City (93.16%), Jerry Treñas ng Iloilo City (93.07%), at Ipe Remollo ng Dumaguete City (93.05%).
Ayon kay Paul Martinez, ang executive director ng RPMD at isang Global Affairs Analyst ang mga alkalde ay sumailalim sa pagsusuri sa pitong mahahalagang benchmark, mula sa paghahatid ng serbisyo hanggang sa financial acumen, economic progress, leadership governance, environmental conservation, social initiatives, at active constituent engagement.
Kasama rin sa listahan sina:
- Benjamin Magalong ng Baguio City (92.53%)
- Neil Lizares ng Talisay City, Negros Occidental (92.51%)
- Nikko Mercado ng Maasin City (91.72%)
- Samsam Gullas Jr. ng Talisay City, Cebu (91.54%)
- Jose Carlos Cari ng Baybay City (91.51%)
- Ahong Chan ng Lapu-Lapu City (90.78%)
- Indy Oaminal ng Ozamis City (90.74%)
- Ross Rizal ng Calamba City (89.83%)
- Eric Africa ng Lipa City (89.55%)
- Geraldine Rosal ng Legaspi City (89.41%)
- Abraham Tolentino ng Tagaytay City (89.22%)
- Vilma Caluag ng San Fernando City (88.53%)
- Alyssa Tan ng Santiago City (88.36%)
- Carmelo Lazatin Jr. ng Angeles City (87.62%)
- Darel Uy ng Dipolog City (87.28%)
- Paul Dumlao ng Surigao City (86.61%)
- John Dalipe ng Zamboanga City (86.63%)
- Ronnie Lagnada ng Butuan City (86.13%)
- Lucilo Bayron ng Puerto Princesa (85.45%)
- Sebastian Duterte ng Davao City (85.26%)
- Marilou Morillo ng Calapan City (84.72%)
- Jose Relampagos ng Panabo City (84.55%)
- Rey Uy ng Tagum City (84.31%)
- Bruce Matabalao ng Cotabato City (82.64%)
- Eliordo Ogena ng Koronadal City (80.28%)
Ayon sa RPMD, “Top Performing City Mayors—Philippines (3rd Quarter)” na segment ng “Boses ng Bayan” survey, na isinagawa mula Setyembre 20-30, 2023, ay may 10,000 respondents na pinili mula sa malawak na voter pool na 65 milyon.
Photo credit: Facebook/RPMDofficial