Tuesday, November 26, 2024

Buhos! Iba Pang Politiko Suportado Ang Pag-Amyenda Sa Konstitusyon

36

Buhos! Iba Pang Politiko Suportado Ang Pag-Amyenda Sa Konstitusyon

36

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Suportado na rin nila Senador Win Gatchalian, Senador Robin Padilla, at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Senate resolution na naglalayong simulan ang mga talakayan sa constitutional amendments, na nakatuon sa economic provisions.

“I have long supported discussions on amending certain provisions of the Constitution to fully realize the country’s economic potential,” pagbibigay-diin ni Gatchalian.

Ang pag-endorso ng senador ay kasunod ng pagsusumite ng Resolution of Both Houses No. 6 ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na nagmumungkahi ng mga pagbabago sa economic provisions sa Articles XII, XIV, at XVI ng 1987 Constitution. Ang resolusyon ay naglalayon na ma-institutionalize ang mga repormang inilatag sa Public Service Act, itaguyod ang liberalisasyon sa mga industriya, pahusayin ang paghahatid ng serbisyo, at isulong ang kompetisyon bilang isang pangmatagalang patakaran.

Bilang suporta sa mga pagbabagong ito, naunang naghain si Gatchalian ng Resolution of Both Houses No.1, na humihiling ng mga pagbabago sa mga economic provisions, na itinatampok ang umiiral na mga paghihigpit sa konstitusyon sa foreign ownership at pagpapatakbo ng mga public utility, educational institutions, mass media, at advertising.

Binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang amyendahan ang mga economic restrictions na ito para mapanatili ang paglago ng ekonomiya, partikular na dahil sa epekto nito sa foreign direct investments (FDIs). Ipinunto niya na ang Pilipinas ay pangatlo sa pinakamahigpit sa mga tuntunin ng FDI sa 84 na mga bansang miyembro ng Organisasyon for Economic Cooperation and Development (OECD), batay sa 2020 OECD FDI Restrictive Index.

Samantala, malugod namang tinanggap ni Padilla ang panukalang resolusyon, at nagpahayag ng optimismo sa posibleng positibong epekto nito sa pag-unlad ng bansa. “Napakagandang balita po ito para sa Bayan. Magkakaroon na po ng bagong sigla ang ating ekonomiya tungo sa pag-unlad ng buhay ng mga Pilipino.”

Ayon kay Padilla, na pinuno ng Senate committee on constitutional amendments at revision of codes, matagal na niyang sinusulong ang reporma sa mga economic provisions ng Saligang Batas para pumasok ang pamumuhunan mula sa ibayong dagat – para magkaroon ng trabaho at ibang oportunidad ang mga Pilipino. Dagdag niya, patunay ang bagong hakbang ng Senado para i-review ang Saligang Batas na tama ang direksyon niya nang ihinain ng kanyang komite ang committee report na nagmungkahi ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Sa isang press statement, nagpahayag din si Romualdez ng suporta para sa inisyatiba ng Senado, at binigyang-diin ang pangangailangan para sa mga pagbabago sa konstitusyon.

“The amendments proposed are not just timely but necessary to unlock the full potential of our economy, fostering a more competitive, inclusive, and robust economic environment,” aniya.

Habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagitan ng Senado at Kamara, tiniyak din ni Romualdez sa publiko na ang proseso ng pag-amyenda sa konstitusyon ay magiging transparent, inclusive, at sumasalamin sa mga adhikain ng mamamayang Pilipino. 

Photo credit: Facebook/senateph, FacebookHouse of Representatives 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila