Binanatan ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang Commission on Higher Education (CHED) matapos nitong isama diumano ang Office of the Solicitor General (OSG) sa kanilang listahan ng mga pinapasweldong empleyado.
Ito ang isa mga nabuking ng sinibak na commissioner ng ahensya na si Jo Mark Libre sa mga State University and Colleges (SUCs) meeting na pinangungunahan ni Barbers.
Ika pa nga ni Barbers, kung ganito pala ang mga kaganapan sa loob ng naturang ahensya ay mistulang inutil o “useless” ang legal department ng opisina dahil OSG ang gumagawa ng mga trabahong dapat sila ang gumagawa.
“If this is now the practice of CHED as announced by Libre, it renders the legal department of CHED totally useless and puts in question the propriety if not legality of engaging the OSG as the agency’s legal team, in the absence of actual controversy in our courts,” sabi ni aniya habang kinakastigo ang diumano’y kalokohan sa loob ng CHED.
Pinapurihan naman ni Barbers ang mabilis ng aksyon ng Malacañang nang ipag-utos nito ang agarang suspensyon ni CHED Commissioner Adrin Darilag dahil sa kaliwa’t kanang akusasyon ng grave misconduct, neglect in performance of duty at pag-abuso sa kapangyarihan.
Pero sabi nga ni Barbers, hindi lang dapat isa, kundi lahat ng kume ng ahensya kabilang na rin ang pinuno nitong si Prospero De Vera ay dapat suspendihin dahil sa sunod-sunod na isyung kinakaharap ng ahensya.
“I am elated at the swift action of the Office of the President. This shows our President’s resolve to rid our government agencies of corrupt, incompetent and undeserving officials. They are being paid by the people and it is very embarrasing when they do not perform their duties as public servants honestly and beyond reproach,” aniya.
“Nagtatanong lang po ako kung totoo itong mga sinabi ni ex-Commissioner Libre. Hindi pala libre ang serbisyo ng OSG sa CHED,” dagdag pa ng mambabatas.
Sa kabila naman ng sibakan at patuloy na imbestigasyon sa mga anomalya sa CHED, hinikayat ni De Vera ang mga opisyal at kawani ng ahensya na siguraduhing gawin ang kanilang mga tungkulin na may prinsipyo at katapatan.
Photo credit: House of Representatives Official Website