Saturday, November 23, 2024

Naawa Lang Pala! Mayor Baste Nagalit Sa ‘Drama’ Ni Sen. Imee

30

Naawa Lang Pala! Mayor Baste Nagalit Sa ‘Drama’ Ni Sen. Imee

30

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ipinahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang kanyang pagkairita kay Senador Imee Marcos at sinabing hindi niya gusto ang umano’y paggamit nito ng personal na drama sa media. 

Matatandaang sinabi ng senador na paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya si Duterte matapos niya itong sitahin dahil sa panagawan nito na mag-resign ang kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.

Binigyang diin naman ni Duterte sa social media na ang kanyang paghingi ng tawad ay hindi konektado sa anumang sinabi niya tungkol sa kapatid ni Senador Marcos.

“Madame Imee, linawin ko lang kasi ginagamit mo na sa drama mo diyan sa media. Humingi ako ng tawad dahil naawa ako sayo, hindi dahil sa mga sinabi ko tungkol sa kapatid mo na presidente,” aniya.

Dagdag pa ni Duterte, itigil na ng mambabatas ang paggamit sa kanyang pangalan.

Ayon naman kay Senador Marcos ay maayos na sila ni Duterte matapos nilang magkausap at hindi na sya magbibigay ng komento tungkol dito.

Matatandaang pinatindi ni Mayor Duterte ang namumuong alitan sa pagitan ng mga kampo ni Duterte at Marcos nang manawagan siya kay Pangulong Marcos na magbitiw dahil diumano sa kawalan ng pagmamahal at adhikain para sa bayan. 

“Mr. President, if wala kay gugma ug aspirations sa imohang nasod, resign (Mr. President, kung wala kang pagmamahal at adhikain para sa iyong bansa, magbitiw ka),” diretsahang banat niya.

Pinuna rin niya ang mga patakaran ng administrasyon, at sinabing ang foreign policy ni Marcos ay nagdadala ng panganib sa buhay ng mga Pilipino. Inakusahan din niyang tamad at walang compassion ang pangulo, na humahantong sa public dissatisfaction.

“You are lazy and you lack compassion… All of these things that he is causing in oppressing the people. So there, he is putting politics first, their self-preservation of their political lives. They are not doing their jobs first.” 

Iginiit din ng nakababatang Duterte ang muling pagbuhay ng peace talks sa mga rebeldeng komunista, at sinabing na walang pang-unawa si Marcos sa paghihirap sa mga lugar tulad ng Paquibato at Marilog, dating kuta ng mga rebelde sa Davao City. 

“The problem is they were not there up in the mountains. They did not experience it. Now, because they have a grievance with my sister (Vice President Sara Duterte), they are cozying with the left.”

Ang matinding batikos na ito ni Mayor Duterte ay sa gitna ng mga bali-balitang nagsasagawa ng imbestigasyon ang International Criminal Court sa mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nasakitan kaayo ko (Nasaktan ako), they want to imprison my father,” aniya.

Higit pa rito, iniugnay ni Mayor Duterte ang kanyang panawagan sa mga nagaganap na pagkakawatak-watak sa loob ng administrasyong Marcos, at inaakusahan ang Pangulo na inuuna ang mga personal na interes kaysa sa pagtugon sa mga kritikal na isyu na kinakaharap ng bansa.

Photo credit: Facebook/basteduterteofficial, Facebook/ImeeMarcos

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila