Sa isang mainit na pagdinig sa Senado, hindi napigilang magalit ni Presidential peace adviser Carlito Galvez Jr. matapos akusahan ni Senador Raffy Tulfo na ang pag-dekomisyon sa dating mga rebelde ay nababahiran ng korapsyon.
“Don’t tell us that we’re corrupt,” mariing sinabi ni Galvez sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense.
Ayon kay Tulfo, may hindi nagtutugma sa datos na ibinigay ni Galvez sa Senado tungkol sa mga dekomisyonadong kombatanteng ng Moro Islamic Liberation Front. Aniya, may 26,132 dekomisyonadong kombatante ngunit 4,625 na armas lamang ang isinumite sa pamahalaan.
Ang mga ito ay nakatanggap din umano ng P100,000 bawat isa galing sa pamahalaan, ayon kay Galvez.
Dahil dito, pinagdudahan ni Tulfo ang malaking pagkakaiba, anupat sinasabing ang mga cash grants na ibinigay sa mga sumuko ay umabot na sa P2.6 bilyon.
“I’m not saying you are corrupt. I’m saying there are people there that are not doing their job or maybe they’re involved in corruption,” dagdag pa niya.
Sagot naman ni Galvez, “I think you are already telling us that there is corruption. I believe that is not a correct accusation to us.”
Ngunit nanindigan si Tulfo sa kanyang pahayag na may korapsyon sa pag-dekomisyon ng dating mga rebelde.
“We’ll Sir, I’m sorry. I’ll stand by what I said. Meyroon pong korapsyon dito. Masaktan ka na, I don’t care. I’m talking on behalf of the taong bayan kasi nga very clear ang discrepancy,” aniya.
Binigyan din niya ng payo si Galvez na huwag masyadong maging defensive, mag-imbestiga at magpakita na lamang ng ebidensya.
“Yes, I will show proof that we are not corrupt,” sabi ni Galvez.
Photo credit: Facebook/senateph