Nagbunyi si Senador Lito Lapid sa pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang magbibigay-proteksyon sa mga karapatan at titiyak sa ikabubuti ng mga manggagawa sa pelikula, telebisyon, at radyo sa bansa.
Isa si Lapid sa mga may-akda ng Senate Bill No. 2505, o mas kilala bilang Eddie Garcia Law, at sinabi niyang ang pag-apruba sa panukala ay isang nararapat na pagpupugay sa isa sa mga pinakadakilang aktor ng Pilipinas.
Ang untimely death ni Garcia sa isang aksidente noong 2019 habang nagshu-shooting ay maaaring sanang naiwasan, ayon sa mambabatas. “Kinakailangan ang ligtas na kapaligiran sa shooting upang maiwasan ang sakuna, sakit o kamatayan ng ating mga kasamahan sa industriya,” aniya.
“Kakaiba po ang kalakaran sa entertainment industry. Normal na po ang mahabang oras ng pagtatrabaho sa shooting. Karamihan sa maliliit nating manggagawa ay maliit lang po ang naiuuwing sahod, hindi katulad ng malalaking aktor sa industriya,” dagdag pa ng mambabatas.
Ang SBN 2505 ay nagtatakda ng normal na walong oras ng trabaho o hanggang sa maksimum na 14 oras o kabuuang 60 oras sa isang linggo.
Kabilang sa panukala ang mga tiyak na probisyon hinggil sa mga social welfare benefit at insurance mula sa mga work-related incident o kamatayan na magbibigay ng kinakailangang seguridad at proteksyon sa isang industriya na may unpredictable nature.
Ang SBN 2505 ay isinampa ni Lapid upang tiyakin na ang mga manggagawa sa entertainment industry ay may pagkakataon para magkaroon ng trabaho at maayos na kita, at protektado laban sa pang-aabuso, panggigipit, hazardous working conditions, at economic exploitation.
Ayon sa kanya, ang kawalan o kakulangan ng mga social protection program sa entertainment industry ay dulot ng kahinaan at kabiguan ng gobyerno na tukuyin ang mga kaibahan ng trabaho sa nasabing industriya.
“These include self-employment, temporary or open-ended, part-time or full-time work arrangements with one or more employers, or a mix of these. Furthermore, entertainment work is sometimes characterized by unpredictable revenues and a reliance on consumer or audience demand as well as the season, resulting in an irregular nature of work that is frequently linked with regional, and occasionally worldwide, mobility,” paliwanag ng senador.
“As we are also part of this industry, especially now that we are also part of the most popular FPJ’s Batang Quiapo with Director Coco Martin, the fight for showbiz industry workers is really close to my heart that I personally witnessing the diligence on the set. That’s why we are promoting this Eddie Garcia Act in the Senate to ensure the protection and security of all workers in the showbiz industry,” aniya.
Photo credit: Facebook/senateph