Monday, November 25, 2024

Unconstitutional? Rep. Acidre: Voting Procedure Ng Senado Wala Sa Saligang Batas

18

Unconstitutional? Rep. Acidre: Voting Procedure Ng Senado Wala Sa Saligang Batas

18

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nilinaw ni House Deputy Majority Leader at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre nitong Huwebes na ang 1987 Constitution ay hindi nag-uutos ng hiwalay na pagboto para sa mga iminungkahing pag-amyenda ng Senado at Kamara, at sinabing ang interpretasyong ito ay nagmula lamang sa mga senador.

“Ang voting separately, dinagdag po ‘yun ng Senado kung anong nakasulat sa Saligang Batas. Tayo po [sa House of Representatives] we stand with what’s written in the Constitution,” tugon ni Acidre sa tanong ng isang reporter sa isang press conference.

Tinugunan din ni Acidre ang mga alalahanin ni Senador Jinggoy Estrada hinggil sa House’s Resolution of Both Houses No. 7 (RBH 7), partikular ang probisyon nito na nag-aatas sa lahat ng miyembro ng Kongreso na sama-samang bumoto sa mga panukalang pagbabago sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Nagpahayag si Estrada ng suporta para sa mga economic constitutional amendment ngunit hindi sumang-ayon sa kahilingan ng RBH 7 para sa magkasanib na pagboto sa halip na magkahiwalay na pagboto.

Ngunit sinabi ni Acidre na ang RBH 7 ay sumunod lamang sa kasalukuyang mga probisyon ng konstitusyon.

“I-remind ko lang na ang [RBH 7] ng House of Representatives eh very faithful po sa wording ng Constitution,” aniya.

Binanggit niya ang Section 1, Article XVII (Amendments and Revisions) ng Saligang Batas, na nagsasaad na “Any amendment to, or revision of, the Constitution may be proposed by: 1) The Congress, upon a vote of three-fourths of all its members…”

“Kinopya lang po natin doon, nagpapakita po na ang House ay sumusunod po sa pangkasalukuyang Saligang Batas ng bansa,” Acidre pointed out.

Halos magkapareho lamang ang RBH 7 ang RBH 6 ng Senado, na tumutuon sa pag-amyenda sa tatlong partikular na probisyon sa ekonomiya sa Konstitusyon na may kaugnayan sa mga serbisyong pampubliko, edukasyon, at advertising.

Gayunpaman, ang isang pangunahing pagkakaiba ay nasa paraan ng pagboto. Habang ang resolusyon ng Kamara ay nagmumungkahi ng mga pag-amyenda na dapat aprubahan ng “three-fourths of all its members,” na nagpapahiwatig ng magkasanib na pagboto, ang resolusyon ng Senado ay tumutukoy sa magkahiwalay na mga pamamaraan sa pagboto. 

Photo credit: House of Representatives Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila