Tila nagka-amnesia si dating pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang itanggi na tinawag niyang adik si Pangulong Bongbong Marcos noong nakaraang buwan.
Sa isang press conference, matindi ang ginawang pagdedeny ni Duterte sa naging banat niya kay Marcos sa harap ng mga dumalo sa isang prayer rally sa Davao City noong nakaraang buwan. Dagdag niya, baka mapatay pa siya dahil sa naturang akusasyon.
“Wala ako sinabi na ganon… Even if you kill me a thousand times, wala akong sinabi na ganon. Make it ‘taking a drug.’ Pero kung sabihin mong addict, wala akong sinabi na ganon. Patayin ako ni Marcos niyan. Maawa ka naman sa akin, matanda na ako.”
“If I can say it to Marcos, I can say it for all. Antibiotic, aspirin—they’re all drugs… Pero wala ako sinabi… Papatayin ako ni Marcos niyan. Takot pa naman ako mamatay, matanda na ako,” pagpapatuloy ni Duterte.
Matatandaang sa isang prayer rally na ginanap sa Davao City noong Enero 28, ibinunyag niya na na nasa “top narco list” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kasalukuyang pangulo.
“No’ng ako’y mayor, pinakitaan ako ng evidence ng PDEA. Doon sa listahan, nandoon ‘yong pangalan mo. Ayaw kong sabihin ‘yan kasi magkaibigan tayo. Kung hindi magkaibigan, magkakilala.”
“Bongbong bangag yan. That is why sinasabi ko na sa inyo ngayon. Si Bongbong Marcos bangag noon… Bangag ang ating Presidente. May drug addict tayo na presidente!,” sabi ni Duterte.
Agad naman itong sinagot ni Marcos at sinabing epekto na lamang ng gamot na Fentanyl ito kay Duterte kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi ng dating pangulo.
“I think it’s the Fentanyl. Fentanyl is the strongest pain killer that you can buy. It is highly addictive and it has very serious side effects, and PRRD has been taking the drug for a very long time now,” aniya.
Dagdag ni Marcos, dapat nang alagaang maigi si Duterte ng kanyang mga doktor dahil matindi na ang epekto ng Fentanyl sa kanya.
“When was the last time he told us that he was taking Fentanyl? Mga five, six years ago, something like that. After five, six years, it has to affect him kaya palagay ko, kaya nagkakaganyan. So, you know, I hope his doctors take better care of him than this – hindi pinababayaan itong mga nagiging problema,” aniya.
Itinanggi rin naman ng PDEA ang alegasyon ni Duterte na nasa watchlist si Marcos ng mga taong gumagamit ng iligal na droga.
Photo credit: Facebook/officialpdplabanph, Facebook/pcogovph