Thursday, November 21, 2024

NA-CHECKPOINT ANG FEBRUARY 25

45

NA-CHECKPOINT ANG FEBRUARY 25

45

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

“Over Acting! Masyado lang praning ang Malacañang.” Ito ang buod ng sentimyento ng mga netizens sa kabi-kabilang paglalatag ng checkpoints ng Philippine National Police nitong nakaraang February 25. Kwento pa ng isang taga-Batangas, anim na chekpoints ang dinaanan nya at inabot siya ng tatlong oras sa byahe ang sinasakyan niyang mini-bus kaya hindi na siya nakapasok sa trabaho. Ito din daw ang dinanas ng daan-daang night-shift workers sa CALABARZON na naipit sa kakatwang sistema ng pagpapatupad ng checkpoints ng PNP.

Ang kagandahan sa ating modernong panahon, hindi mo na pwedeng bobohin ang publiko lalo na’t pinalalawak at pinalalakas ng social media ang kanilang kamalayan sa mga bagay na may kinalaman sa buhay nating mga Pinoy. Kaya nga ang sentimyento ng netizens ay alam na alam naman kung bakit nagkalat ang checkpoints: tinalaban ang Malacañang sa psy-war ni ex-President Digong Duterte na “baka mapatulad sa kanyang tatay itong si Pres. Bong Bong Marcos” na pinalayas noong 1986 sa Malacañang matapos ang People’s Power revolt. So, dahil kabado at paranoid kuno ang mga nakapaligid kay PBBM, nagsiguro na ang mga ito na higpitan ang seguridad nitong anibersaryo ng People’s Power revolution. Hindi baleng makaperwisyo ng ordinaryong mamamayan, basta huwag lang manganib sa pwesto ang mga nakaluklok sa kapangyarihan.

Para sa isang may sentido-komon, kung totoo na may nagbabalak pabagsakin ang administrasyon ni PBBM, itataon ba ito sa mismong araw kung kailan pinabagsak ng People’s Power noong 1986 ang erpats nya? Syempre hindi: at hindi sa mga oras o sandaling inaakala ng lahat – of all the dates, February 25 pa talaga? Puro komedyante yata ang nakaisip nito.

Para sa akin naman, walang masama sa paglalatag ng checkpoints. Mas mainam nga kung araw-araw mayroon nito. Deterrent ang checkpoints sa mga masasamang loob. Napipigilan nito ang galaw ng mga kriminal at pati na ang mga armas o kagamitan sa paggawa ng krimen. Ang sa akin lang, basta sinusunod ang police operational procedures sa paglalatag ng checkpoints, walang problema lalo pa nga kung tunay na may banta sa seguridad ng mamamayan – at ng hindi naghaharing iilan.

Ang kaso, halatang-halata na for compliance lang ang mga inilatag na checkpoints noong February 25. Ang mga karatula ng PNP checkpoints at mga tents na iniwanan nila pagkalipas ng Pebrero a-25 kung may pulis pang nagmamando duon. Diba wala na? Pagkatapos ng February 25, wala ka na makitang nakatao sa mga checkpoints. O kung may checkpoints man, balik sa dating gawi – maglatag ng checkpoints sa gilid ng daan, maninita ng ilang naka-motorsiklo, kukunan ng litrato ang checkpoint kuno, at pagkalipas ng 10 minuto, pack-up na. Complied na! Back-to-Base na.

Samakatuwid, tama ang obserbasyon ng ilang netizens – kalaban sa pulitika ang binabantayan ng PNP at hindi ang mga kriminal na tunay na nakaka perwisyo sa ordinaryong Pilipino.

Sige nga, bakit yung karera ng Boss Ironman, hindi ninyo chinekpoint kung totoong public safety ang layunin ng checkpoints ninyo? Takot kayong i-checkpoint ang mga mayamang naka Big Bike?

Ang mga checkpoints ay para sa pananatili ng kaayusan at kapayapaan, para rin sa paglaban sa kriminalidad. Hindi para sa lang sa haka-hakang baka pabagsakin ang administrasyon sa araw ng dating sinesilebrang anibersaryo.

 

 Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph.  

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila