Idiniin ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang pangangailangan ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipaliwanag kung bakit siya ang napili ni Pastor Apollo Quiboloy bilang potensyal na administrator ng kanyang mga asset.
“Getting a former President as a possible administrator of your properties and your wealth can be misconstrued as hiding something, kasi (because) you have to get somebody powerful to do that.
“So siguro nahiya lang din si [Duterte] at tinanggap niya. Either nahiya siya na sabihing hindi o kung he’s doing it as a friend or he is doing it as a lawyer. So, all of these questions can properly be answered by the former president,” tugon ni Garin sa tanong ng isang reporter sa isang press conference nitong Martes.
Ang pastor ay nahaharap sa reklamo ng Department of Justice sa umano’y sexual abuse sa isang menor de edad at qualified human trafficking. Si Quiboloy, na kilala bilang self-proclaimed “Appointed Son of God,” ay nagsisilbing spiritual adviser ni Duterte.
Photo credit: House of Representatives Official Website, Facebook/officialpdplabanph